Thursday , April 18 2024

DILG officer ‘kalaboso’ sa bomb joke

ISANG babaeng opera­tion officer 7 ng Depart­ment of Interior and Local Government (DILG) ang  nasa balag na alanganin matapos magbiro na may dala siyang bomba sa loob ng Cuneta Astrodome sa Pasay City, kahapon ng umaga.

Kinilala ni Pasay City Police chief S/Supt. Noel Flores, ang inarestong DILG operation Officer 7 na si Elsie Castillo, 57,  taga-Santan Road, Almar Subdivision, Barangay 177, Caloocan City.

Inireklamo ni Corpo­ral Junalyn Ungab, nasa hustong gulang, miyem­bro ng Presidential Security Group (PSG).

Base sa ulat, sinusuri nina police officers 1 (POs1) Shaila Gethse­mane Pascual Tamaya at Jocyleen Montero, kapwa nakatalaga sa District Personnel Holding Accounting Unit, ng Southern Police District (SPD) katabi si Ungab, ang mga dala-dalang bag ng bawat dadalo sa loob ng Cuneta Astro­dome, na matatagpuan sa Bgy. 76, Zone 10 sa Pasay City, dakong 11:50 ng umaga.

Dumating si Castillo sa inspection counter, nang biglang magbiro at sinabing, “Ma’am hindi mo ba kakalkalin, may laman sa ilalim na bomba ‘yan.” Dahil sa tinuran ng opisyal ng DILG, agad siyang inaresto ni Ungab alinsunod sa batas na nagbabawal sa pagbibiro ukol sa bomba at may karampatang parusa o pagkakakulong nang hanggang limang taon.

Napag-alaman na mahigpit ang ipinatu­tupad na seguridad lalo na’t dumalo si Pangulong Rodrigo Duterte sa idina­os na Barangay Summit on Peace and Order sa Cuneta Astrodome sa lungsod ng Pasay.

Inihahanda na ng awtoridad ang pagsa­sam­pa ng kasong pagla­bag sa Presidential Decree  1727 (Unlawful dissemination or making false threat concerning bombs o anti bomb joke law) laban kay Castillo.

(JAJA GARCIA)

About Jaja Garcia

Check Also

BUCAA Bulacan Daniel Fernando

Sa Liga ng Palarong Basketball ng BUCAA  
MAGLARO NANG MAY PUSO — GOV. DANIEL FERNANDO

“MAGLARO kayo nang may puso. Ipakita ninyo ang pagmamahal ninyo sa sports. Tandaan ninyo, ang …

shabu drug arrest

Sa Caloocan
PINTOR HULI SA P.1-M SHABU

IMBES pagpipinta ng bahay, pumasok sa ‘drug trade’ ang isang house painter pero ‘minalas’ na …

Department of Agriculture

Para sa seguridad sa pagkain
PH GOV’T DAPAT MAGPONDO SA MODERNISASYON NG AGRI

HINIMOK ni Senador Win Gatchalian ang gobyerno na mamuhunan sa modernisasyon ng agrikultura at pagpapaunlad …

marijuana

P.6-M tsongki nasamsam sa Bulacan

TINATAYANG aabot sa P602,400 halaga ng high-grade marijuana o tsongki at cannabis oil ang nasamsam …

robbery holdap holdap

Sa Siniloan
NEGOSYANTENG MISIS PATAY SA 2 HOLDAPER

ni Roderick Palatino SINILOAN MPS – Patay ang isang ginang habang ang kaanak na tricycle …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *