Friday , April 19 2019
Breaking News
You are here: Home / Opinion / Sure winner daw si Erap… e paano na ang Maynila?
Sure winner daw si Erap… e paano na ang Maynila?

Sure winner daw si Erap… e paano na ang Maynila?

An arrogant person considers himself perfect. This is the chief harm of arrogance. It interferes with a person’s main task in life – becoming a better person.

 — Russian writer and novelist Leo Tolstoy

PASAKALYE:

Ayon kay Commission on Elections (Comelec) spokesperson Director James Jimenez, maaari pa rin tumakbo bilang kandidato si Daraga, Albay mayor Carlwyn Baldo sa kabila ng pag-atras ng Partido Lakas-Christian-Muslim Democrats (Lakas-CMD) sa kanilang nomi­nasyon sa alkalde para sa nalalapit na eleksiyon sa Mayo.

Binawi ng nasabing partido ang kanilang certificate of nomination and acceptance (CONA) at gayondin ang kanilang suporta kay Baldo makaraang ituro ng Philippine National Police (PNP) bilang ‘mastermind’ sa likod ng pama­maslang kay Ako Bicol party-list representative Rodel Batocabe at ang kanyang police aide na si SPO1 Orlando Diaz noong 22 Disyembre nitong nakaraang taon.

***

REAKSIYON:

Sadyang wala na ba talaga tayong mapag­pipilian kundi mga ‘bugok’ na kandidato?

Nagtatanong lang po…

AYON kay Bambi Purisima, na ‘alagad ni convicted plunderer at incumbent Manila Mayor Joseph ‘Erap’ Estrada, sure winner daw ang kanyang amo batay sa detalyadong survey na isinagawa ng Company for Strategic Research na isinagawa kamakailan sa 2,400 respondent sa buong lungsod.

Batay sa nasabing survey, malaking bilang pa rin umano ng mga botante sa Kamaynilaan ang naniniwalang dapat manatili sa pagiging alkalde si Erap (45 porsiyento) habang 24 porsiyento lang ang pumili kay dating mayor Alfredo Lim at 20 porsiyento naman kay Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso. Nasa datos din ng survey na 9 porsiyento ang ‘undecided’ at tig-isang porsiyento lang ang ‘walang pakialam’ at ‘walang iboboto.’

Sa kabilang dako, sa pagka-bise alkalde, umungos si dating Manila District V repre­sentative Amado Bagatsing sa rating na 44 porsiyento samantala si incumbent vice mayor Honey Lacuna ay 32 porsiyento; dating police general Elmer Jamias, isang porsiyento, Manoy Verlie Añonuevo, isang porsiyento; habang 17 porsiyento naman ang ‘undecided’ at dalawang porsiyento ang ‘walang pakialam.’

Lumalabas daw sa pag-aaral ng Company for Strategic Research na ang mga accomplish­ment—kuno — ni Mayor Estrada ang naging malaking bentaha sa resulta ng survey dahil pamilyar ang karamihan ng mga Manileño sa malawak na serbisyo ng lungsod sa ilalim ng pamamahala ng hinatulang mandarambong.

REAKSIYON:

Kaya pala ngayon ay kay ganda ng Lungsod ng Maynila!

Lumigid ka sa iba’t ibang bahagi nito at makikita ang ipinagyayabang ni Erap na mga pagbabago… malinis nga ba ang mga pamilihan at palengke? Maayos ba ang pamamahala ng trapiko sa mga lansangan? Malaki rin ba ang kabawasan sa bilang ng mga adik at kriminal sa mahigit 800 barangay ng lungsod?

At ngayon sure winner daw si Erap…

Naku… ‘pag nagkatototoo ‘yan, paano na ang Maynila?

***

PARA sa inyong komento o suhestiyon, reklamo o kahilingan, magpadala lamang ng mensahe o impormasyon sa email na [email protected] o i-text sa cellphone numbers na 09054292382 para sa Globe at 09391252568 para sa Smart. Salamat po!

PANGIL
ni Tracy Cabrera

About Tracy Cabrera

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top