Sunday , April 21 2019
Breaking News
You are here: Home / Bulabugin / Francis Tolentino hirap na hirap makaporma sa senatorial race
Francis Tolentino hirap na hirap  makaporma  sa senatorial race

Francis Tolentino hirap na hirap makaporma sa senatorial race

Kumbaga sa boksing, hindi pa nag-uum­pisa ang bakbakan, hilahod na ang boxer.

Parang ganito ang nangyayari kay dating Presidential Political Affairs adviser, Francis Tolentino. 

Hindi pa nag-uumpisa ang kampanya para sa senatorial race, e masikip na agad ang espasyo para sa kanya.

Nalulungkot tayo para kay Sir Francis Tolen­tino.

Mismong si Pangulong Duterte na nga ang nag-eendoso at nagtutulak sa kanya pero ayaw pa rin umakyat ang pangalan niya sa senatorial surveys.

Sana naman bago dumating at matapos ang kampanya para sa eleksiyon sa Mayo 2019 ay magbago ang kanyang ratings.

Anyway, malungkot man ang kahihinatnan ng inyong kampanya, makaaasa ka ng isang boto mula sa akin, Sir Francis.

Count me in — Sir Francis, on May 2019.

It’s one vote from me.

Pramis!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://www.hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top