Sunday , May 19 2019
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Lotlot at Fadi, bubuo ng masayang pamilya
Lotlot at Fadi, bubuo ng masayang pamilya

Lotlot at Fadi, bubuo ng masayang pamilya

“I was lost, I was empty, Iwas not enough, and then you came into my life…

And I found a meaning to live.

You complete me.

You keep teaching me everyday how to love myself… And how to cherish the life that we have…

We come from two different cultures and religions but our values for ourselves are the same.

Our values make us stronger… I can’t imagine a life without you You complete me…

I don’t believe of love at first sight…. But with you, from the moment that I met you I knew I am going to build a life with you.

You complete me…

I am not repeating the same thing.

I am just emphasizing on the fact that you really complete me…

Bhebbik min kil albeh w rah 3ish 7ayeteh killa fargikeh addesh bhebbik.

I love you with all my heart and I am going to spend my whole life proving to you the love that I have for you.

You complete me…”

Ito ang buong vow ni Fadi El-Soury para sa kanyang bride na si Lotlot de Leon noong December 17, sa rustic wedding nila sa El Jardin de Zaida sa San Juan, Batangas.

The night before the wedding, ay nasa venue na ang de Leon family para roon matulog at mag-prepara.

Present siyempre ang ama ni Lotlot na si Christopher de Leon at misis nitong si Sandy Andolong na isa sa mga ninang, pati na rin ang mga ninang na sina Tita Malou Choa-Fagar, Zharine Carbonell-Villanueva (na misis ng aktor na si Cris Villanueva), at Nadia Montenegro.

Ninang din ang GMA lady bosses na sina Redgie Magno at Lilybeth Gomez-Rasonable pero hindi sila nakarating dahil may hindi maiwang meeting sa GMA sa mismong araw ng kasal.

Ninong naman ang iyong lingkod, si Daddy Wowie Roxas, at military man si Alex Ignacio. Ninong din si Manila City Mayor Joseph Estrada at Erik Matti pero hindi sila nakadalo.

Maid of honor si Janine Gutierrez at best man naman si Rayver Cruz, maids of honor din ang mga kapatid ni Janine na sina Jessica at Maxine Gutierrez.

Bridesmaids naman ang mga kapatid ng aktres na sina Matet de Leon at  Donna Bennett, Dawn Evans, at Myria Dufresne na mga American sister niya mula sa kanyang American biological father na si Donald Olson.

Hindi nakabiyahe sa Pilipinas ang ama nila dahil bagong opera ito.

Groomsmen naman ang mga kapatid na lalaki ni Lotlot na sina Ian de Leon, Kiko de Leon, at Kenneth de Leon.

Ring bearer ang close friend ng couple na si Pinky Esturco.

Ang anak na lalaki ni Lotlot na si Diego Gutierrez ang naghatid sa kanya sa altar.

Ang nagkasal kina Lotlot at Fadi ay si Pastor Bernie Fontabla.

Si Zandra Lim ang gumawa ng damit ng buong entourage.

Ilan sa mga bisita ay ang mga dating taga-That’s Entertainment na sina Melissa Gibbs, Cheenee de Leon, Manolet Ripoll, at Bimbo Bautista,at ang aktres na si Shyr Valdez.

Samantala, wala namang isinulat o inihandang wedding vow si Lotlot, sinabi nito kung ano ang lumabas mula sa kanyang puso sa mga oras na iyon.

Pinaka-espesyal ang bahagi na sinabi niya kay Fadi na… “You fixed the things that I cannot fix.”

Naging emosyonal ang dance between the bride and her dad, kapwa may luha sa mga mata sina Lotlot at Christopher habang sumasayaw at isa sa pinaka-sweet moments sa gabing iyon.

Very touching moment din ang pagbibigay ng mensahe ng apat na magkakapatid, (Janine, Jessica, Diego, at Maxine) para sa kanilang ina at kay Fadi, gayundin ang mensahe ng lahat ng mga kapatid ni Lotlot.

Matapos ang wedding ceremonies, dinner at programa, isang masayang party ang sumunod na inabot na ng madaling araw.

Habang nagkakasiyahan ang mga bisita, mabilis naming nakausap si Lotlot.

“Napakasaya ko po! Hindi ko akalain na darating ang araw na ito, akala ko nagpaplano pa lang kami, alam mo ‘yun? ‘Yung sa dami ng iniiisip ko, hindi ko namamalayan na papalapit na ng papalapit ‘yung wedding date,” at tumawa si Lotlot.

“And eto, kasal na kami, everything went perfect, much more than what Fadi and I expected. Kaya masaya po kami and nagpapalasamat sa lahat.

“Even the weather is perfect, nakisama pati kalikasan, hindi mainit, hindi umulan.”

Sa ngayon ay naka-focus ang mga bagong-kasal on starting to build a family as husband and wife.

“Yes siyempre iyon ang importante and we know naman na between sa amin ni Fadi, with God watching over us, and with our families and friends na lagi lang sa tabi namin, we will have a beautiful journey ahead of us.” 

RATED R
ni Rommel Gonzales

About Rommel Gonzales

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top