Wednesday , May 22 2019
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Catriona, iniyakan ng 2 kandidata sa Miss Universe
Catriona, iniyakan ng 2 kandidata sa Miss Universe

Catriona, iniyakan ng 2 kandidata sa Miss Universe

TALAGA sigurong napakaakma ng personalidad ni Catriona Gray para maging Miss Universe 2018. Parang walang tumutol sa pagwawagi n’ya. At wala ring nagsasabing si ganoon o ganyang kandidata ang mas deserving kaysa kay Catriona.

Ayon sa isang ulat ng ABS-CBN news website, may ‘di naipakita sa TV na segment ng finals night: ang pagkukulumpon halos lahat ng ibang kandidata kay Catriona pagkatapos n’yang maiproklamang Miss Universe 2018. Dalawa sa mga iyon ang nakitang lumuluha: ang Miss Sweden na si Emma Strandberg at ang Miss Denmark na si Helena Hauser

Hindi sila lumuluha dahil sa pagkatalo kundi dahil sa pagwawagi ni Catriona. Naging bestfriends pala sila ng Bb. Pilipinas noong 2016 nang naging candidates sila sa Miss World na naging first runner-up si Catriona. 

Kinompirma naman ng dalawa sa pamamagitan ng respective Instagram nila ang pagkabilib na si Catriona talaga ang pinaka-deserving na magwagi ng titulo. 

The clip sees fellow candidates congratulating Gray, but notably in tears were Strandberg and Hauser of Denmark, who both gave the winner a hug.

Pahayag ni Miss Sweden pagkatapos na pagkatapos na koronahan si Catriona: “I am speechless, sister, and I can’t stop crying. I am so happy for you. You did it, Cat! You did it! I am so proud and glad that you are standing there with the new title as Miss Universe 2018.”

Dagdag pa n’ya,”We could never ask for a better woman to stand there. Your personality, kindness and love for this world. You deserved this crown more than anyone else in this universe and I know that you are going to do a wonderful job! I can’t wait to follow your journey and I wish you all the best from the bottom of my heart.”

Ayon naman kay Miss Denmark, she knew from the beginning that Cat was destined for that crown.

Pagtatapat pa ni Miss Denmark, “It’s funny ‘cause I get so emotional when I see her on stage, so no wonder I cried my lashes off when she won!”

Personal na mensahe pa n’ya kay Catriona, “Thank you for being my friend. I look up to you in so many ways. You have such a star potential, but yet you’re incredibly humble and down to earth. Thank you for our memorable moments and always calming me down when I’m nervous.

“The Miss Universe Organization just crowned the best Miss Universe ever! You deserve the absolute best in life, and I can’t wait to see what the future brings you!”

Isang taon munang mananatili si Catriona sa New York para tuparin ang mga obligasyon n’ya sa Miss Universe organizers. Kapana-panabik malaman kung sa ano-anong advocacies siya mai-involve ‘pag dito na siya maninirahan—bukod sa malamang pagtupad n’ya sa pangarap n’ya na maging professional singer.

Naipagtapat na n’ya sa mga nakaraang interbyu sa kanya na mas gusto n’yang maging singer kaysa maging artista.

KITANG-KITA KO
ni Danny Vibas

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top