Friday , April 19 2024

Ambush, sagupaan sa N. Samar inako ng NPA

CATARMAN, Northern Samar – Inamin ng grupo ng umano’y rebeldeng New People’s Army (NPA) ang pananambang noong 18 Disyembre na ikinamatay ng walong sundalo.

Ayon sa sulat ng isang nagpakilalang Efren Martires Command, inako ng Rodante Urtal Command ang insidente ngunit sinabing walang sibilyan ang nadamay.

Nakakuha rin ang mga rebelde ng apat na R4 rifles.

Bukod dito, sila rin ang nakasagupa ng mga sundalo sa Brgy. Capotoan sa Las Navas, Northern Samar noong 22 Disyembre na lima umano ang namatay na sundalo at marami rin ang nasugatan sa higit isang oras na putukan.

Una nang kinondena ng 8th Infantry Division ng Philippine Army ang dalawang magkasunod na pag-atake ng mga rebelde.

Sa Northern Samar ay nagsagawa ng motorcade ang ilang riders bilang pagkondena sa mga karahasan na isinagawa ng mga rebelde.

About hataw tabloid

Check Also

Bong Revilla, Jr

Revilla tuloy ang serbisyo-publiko sa kabila ng aksidente

“SALAMAT sa mga nag-aalala kung ano ang nangyari sa akin, pero nasa mabuti na akong …

Lobo Batangas

Sa Batangas 
PAGLAGANAP NG ILEGAL NA SUGAL SA LOBO IKINABAHALA NG BUSINESSMEN

LUBOS na nababahala ang grupo ng mga negosyanteng kinabibilangan ni Efren Ramirez sa isyu ng …

Bong Revilla Jr Maynilad sinkhole

Maynilad panagutin sa sinkhole — Revilla

“DAPAT managot ang Maynilad at kanilang mga kontraktor.”                Ito ang ipinahayag ni Sen. Ramon …

BUCAA Bulacan Daniel Fernando

Sa Liga ng Palarong Basketball ng BUCAA  
MAGLARO NANG MAY PUSO — GOV. DANIEL FERNANDO

“MAGLARO kayo nang may puso. Ipakita ninyo ang pagmamahal ninyo sa sports. Tandaan ninyo, ang …

shabu drug arrest

Sa Caloocan
PINTOR HULI SA P.1-M SHABU

IMBES pagpipinta ng bahay, pumasok sa ‘drug trade’ ang isang house painter pero ‘minalas’ na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *