Saturday , April 20 2019
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Lotlot, Iza, pinakasalan kahit may mga edad na
Lotlot, Iza, pinakasalan kahit may mga edad na

Lotlot, Iza, pinakasalan kahit may mga edad na

BASTA’T maayos pa rin ang pagkatao at hitsura ng isang babae, at kahit halos 40 years old na, o lagpas na siya sa edad na 40, may lalaki pa ring pakakasalan siya.

At ang very recent na ebidensiya ay sina Lotlot de Leon at Iza Calzado na ikinasal ngayong Disyembre.

Noong Dec. 18 lang ikinasal si Lotlot sa negosyanteng Lebanese na si Fadi El Soury sa isang resort sa Batangas. Sa ilang media report ay binabanggit na 47 years old na si Lotlot. Sa lahat ng ulat ay walang nakalagay na edad ni Fady. Pero sa mga litratong kuha sa kasal, halatang mas bata siya kaysa bagong misis n’ya. May “crow’s feet” na nga sa gilid ng mga mata ni Lotlot, samantalang napakakinis pa ng gilid ng mga mata ng bagong mister n’ya.

Tiyak na alam n’yo nang may apat na dalaga at binata na si Lotlot sa unang husband n’yang si Ramon Christopher “Monching” Gutierrez. Dumalo nga sa kasal ang apat sa pangunguna ng ate nila na GMA 7 actress na si Janine Gutierrez.

Anim na taon nang mag-partner sina Lotlot at Fady bago sila ikinasal.

Noong Dec. 19 naman ikinasal sina Iza at ang British businessman na si Ben Wintle sa isang Gold Paradise resort sa Coron, Palawan. Lahat ng report tungkol sa kasal nila ay walang binabanggit na mga edad.

Ayon sa Wikipedia, 36 years old na si Iza. Maraming showbiz insiders ang nagsususpetsang halos 40 na si Iza bagama’t lahat sila ay umaaming hangang-hanga sila sa kagandahan ng aktres. Halos walong taon na rin silang magkarelasyon ni Ben na mukhang mas bata sa kanya ng ilang taon.

Sunshine Dizon, Karylle and Divine Lee served as three of the 12 bridesmaids nina Iza at Ben

For some reasons, mas extensive ang mga ulat tungkol sa kasal nina Lotlot at Fady.

Heto ang simula ng vow ni Lotlot sa kasal nila:

“There have been so many things that have happened to my life before I met you, which I have learned from. I was scared to really fall in love again, and to even allow someone to be part of my life. But you were just persistent. You didn’t want to let me be. And I thank you for that.”

She went on, holding back tears: ”I have prayed so many times, over and over, and very hard, for God to fix the things that I couldn’t fix. But when I just lifted it all up, everything started falling into place, and then you came along.

“Thank you for not making me feel alone when I’m sad. Thank you for putting a smile on my face all the time, and making sure that I am OK. Thank you for being there. Thank you for choosing to be with me. I love you, Fadi.”

Ipinagtapat naman ni Fadi, na up about, ”I felt lost and empty and I was not enough” bago n’ya makilala ang ampon na anak nina Nora Aunor at Christopher de Leon (na dumalo sa kasal, pero hindi ang superstar).

Patuloy ni Fadi: ”And then you came into my life, and I found a meaning to live. You complete me. You keep teaching me every day how to love myself. And how to cherish the love we have.” 

Dumalo rin sa kasal ang kapwa ampon na kapatid ni Lotlot na si Matet de Leon. Naroon din si Rayver Cruz, na napapabalitang boyfriend ni Janine.

Sa 2019, sina Zsa Zsa Padilla at ang boyfriend naman n’yang arkitekto na si Conrad Onglao, ang magpapakasal, pati na rin sina Sunshine Cruz at Chuck Mathay at saka si Eugene Domingo at ang Italian-American film critic na boyfriend n’ya?

KITANG-KITA KO
ni Danny Vibas

About Danny Vibas

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top