Friday , April 19 2019
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Star Magic Artists, nagsama-sama para sa Star Magic Gives Back 2018
Star Magic Artists, nagsama-sama para sa Star Magic Gives Back 2018

Star Magic Artists, nagsama-sama para sa Star Magic Gives Back 2018

ISANG pagbabahagi ng blessings ang pinangunahan ngi mga Star Magic artist noong Disyembre 3 dahil agad silang nagbigay ng mga regalo para sa kanilang tanunang charity event, ang Star Magic Gives Back.

Apat na institusyon ang napili ng Star Magic ngayong taon para bigyan ng kanilang oras, magpakita ng kani-kanilang talento, magpatawa at magbahagi ng mga regalo.

Ang mga napiling insitutsyon ay kinabibilangan ng mga inabandonang bata at matatanda. Ito ay ang Good Samaritan Home for the Elderlysa Marikina, Craniofacial Foundation of the Philippines sa Manila, Sta. Maria de Mattias sa Marikina, at ang Bantay Bata Children’s Village sa Bulacan.

Kitang-kita ang kaligayahan sa mga bata sa Bantay Bata Children’s Village nang makipagsaya at dalawin sila nina Piolo Pascual, Edward Barber, Maymay Entrata, Eric Nicolas, Enzo Pineda, Luke Alford, John Bermundo, Sharlene San Pedro, Heaven Peralejo, Ysabel Ortega, Vivoree Esclito,  Yasmyne Suarez, Gerard Acao, Karl Gabriel, Luis Hontiveros, Mark Rivera, at JM de Guzman.

Isang madamdaming programa at  gift-giving naman ang ibinahagi sa mga elderlies sa Good Samaritan Home for the Elderly na pinangunahan nina Maja Salvador, Gerald Anderson, Joseph Marco, RK Bagatsing, Jayson Gainza, Elmo Magalona, Jane Oineza, Sofia Andres, Maris Racal, Alexa Ilacad, Darren Espanto, AC Bonifacio, Axel Torres, Kyle Velino, Joj and Jaj Agpangan, Lala Vinzon, Sarah Carlos, Loren Burgos, Hiyasmin Neri, Belle Mariano, Ashley Colet, Melizza Jimenez, Nikki  Gonzales, Amy Nobleza, Chantal Videla, Raine Salamante, Kira Balinger, at Alora Sasam. Nakiisa rin sa kanila ang mga child star na sina BourneLuna, Omar Uddin, at Robbie Wachtel.

Isang unique entertainment naman ang naranasan ng mga bata sa Sta. Maria de Mattias gayundin ang mga nakatutuwang palaro na handog nina Sue Ramirez, Nash Aguas, Jairus Aquino, Kim Cruz, Desiree del Valle, Boom Labrusca, Ryan Rems, Kitkat, Jenny Miller, Gillian Vicencio and child stars Xia Vigor, Lance Lucido, Myel de Leon, Hannah Vito, Uno Bibo, Andrez del Rosario, at Erika Clemente.

Isang magandang alaala tiyak ang laging iisipin ng mga kabataan sa Craniofacial Foundation of the Philippines dahil sa mga aktibidad na ibinahagi sa kanila nina Zanjoe Marudo, Harvey Bautista, Krystal Mejes, Krystal Brimner, Mitch Naco, Daniela Stranner, Inigo Pascual, at Liza Soberano.

Bukod sa donations in kind, ang bawat institusyon ay nakatanggap din ng P80K cash donations mula sa Star Magic para naman sa kanilang iba pang mga pangangailangan.

At hindi magiging posible ang Star Magic Gives Back 2018 kung wala ang tulong ng mga mapagbigay nilang sponsors tulad ng Sunlife, Megan, LifeStrong, Head & Shoulders, P&G, Mediacom, Unilab, Enervon, Fudgee Bar, Nestogrow,  Advance, Kopiko, Sterling, 555 tuna, Megasoft, Modess, Guitar, My Dentist, Blair Cosmetics, Sunnies, Lewis and Pearl, Pepsi, BNY, MEGA Sardines, Gluta-C, Goldilocks, MET, KJM Cosmetics, Hapee Toothpaste, Blackwater Men, Montalbo Spa, Moosegear, Top-O, My Daily Collagen, Freshlook/AirOptix, Potencee, Fern-C, The Generics Pharmacy, Calla, Hannah, Hearts and Bells, Champion, Kojic, Aquafina, Lemon Square, Palmolive, Unilab, Ritemed, Nivea, Cosmo Cee, Asian Stationery Corporation, Beautederm, Blade, Wrangler, Birch Tree, Miss Buttercream, Chowking, Turks, KFC, Jollibee, Shakey’s, at Greenwich.

 

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top