Categories: Showbiz

Coco at Vic, espesyal para kay Tirso

Share

NAGPAPASALAMAT ang beteranong aktor na si Tirso Cruz III kina Coco Martin at Vic Sotto na isinama siya sa cast ng pelikulang Jack Em Popoy: The Puliscredibles, official entry sa 2018 Metro Manila Film Festival. Espesyal kay Tirso ang dalawang bigating aktor dahil ilang beses na niyang nakasama ang mga ito sa iba’t ibang proyekto sa telebisyon man o pelikula.

“I’m very proud to say na I am part of the TAPE family, kay Mr. (Tony) Tuviera. Of course, kay Bossing (Vic) na ilang beses ko na ring nakatrabaho. Si Coco, parang anak ko na nga eh.

“Actually, ang pinakamalaking bagay talaga sa akin na naging bahagi ako ng pelikulang ito is kasi noong nagka-casting sila wala naman sigurong kumontra sa akin noong pinag-usapan nila ako.

“Kasi nakakataba ng puso na when you work with people like si Bossing, si Coco, and when your name comes up, siyempre they have to comment about it kung okay ba ito, pwede ba nating gamitin?

“Ako, I’m very, very proud because naisip nilang isama ako sa pelikulang ito. And let’s face it, aminin natin na this is one of the movies na inaabangan ng mga tao talaga for this coming MMFF.

“So, masaya ako na naging bahagi ako ng pelikulang ito.

“So, thank you kay Bossing, thank you kay Coco. Si Coco binanggit pa sa akin, sabi niyang ganoon, ‘Tay, gusto kitang kasama.’ So, I’m very happy na nagkasama kami hindi lang sa teleserye, ngayon sa pelikula pa,” sabi ni Tirso.

Samantala, ayaw namang sabihin ni Tirso kung mabuti o masama ba ang role niya sa pelikula para may excitement naman.

“Ako ‘yung kasabay ni Bossing na naging pulis. Medyo mas mapalad na naging chief ni Bossing, medyo marami kasing kapalpakan si Bossing dito. Hindi ko muna sasabihin kung ako ba’y masama rito o mabuti, hulaan niyo na lang. Para naman may kaunting excitement ‘pag pinanood niyo kung ano ba ‘yung ginawa ko sa pelikula.

“Pero gaya ng sinabi nina Bossing at Coco, maganda po ito, pinaghandaan talagang mabuti, and Pampasko talaga. Lalabas kayo ng sinehan ng kompleto kasi nakapanood kayo ng sine na kompleto pero may leksiyon din, may mga natutuhan din ako rito.”

Produced by CCM Film Productions, APT Productions, at MZet Productions, ang Jack Em Popoy: The Puliscredibles ay mapapanood sa mga sinehan nationwide simula sa Pasko, December 25, bilang bahagi ng Metro Manila Film Festival 2018.

ni GLEN P. SIBONGA

Glen Sibonga

Published by
Glen Sibonga

Recent Posts

Gina Pareno, tinalo ang mga bagets sa pagti-Tiktok

KUNG ipinatitigil na ng Pangulo ng Amerika ang TikTok sa bansa nila, rito sa atin, patuloy sa pag-e-enjoy ang netizens sa walang… Read More

18 hours ago

Mikee at Mikoy, sumabak sa patok challenge

ALIW na aliw ang netizens sa ginawang Totropahin o Jojowain video ng magkaibigang Mikee Quintos at Mikoy Morales.   Sumabak ang dalawa sa patok na… Read More

18 hours ago

1,500 gadgets, ipamamahagi ni Sen. Bong

ANG saya ng tsikahan namin with Senator Bong Revilla kasama ang ilan sa kasamahan sa panulat after so long na inabot na… Read More

18 hours ago

Unli Videoke, ihahatid nina Papa Ding at Janna Chu Chu

HATID ng number one FM Radio sa Mega Manila, Barangay LSFM 97.1, ang kauna-unahang Pa-Videoke on Radio via Unli Videoke Express na napakikinggan… Read More

18 hours ago

Aiko, naka-Silver Play Button na sa YT

DAHIL may mahigit na 100,000 subscribers sa kanyang Youtube channel, matatanggap na ni Aiko Melendez ang kanyang YouTube Silver Play Button! May mahigit 100,000 subscribers… Read More

18 hours ago

Aktor, bawal na sa gym dahil sa pamboboso

“MADALAS siya noon sa gym namin eh, pero ngayon hindi na,” sabi ng isang poging physical fitness trainer tungkol sa isang male star. “Sinabihan kasi… Read More

18 hours ago