Categories: Showbiz

Claire Ruiz, nagdagdag-saya sa Intelle Builders Christmas party

Share

PINASAYA ng Kapamilya actress na si Claire Ruiz ang katatapos na Christmas Party/Thanksgiving Party ng Intele Builders & Development Corporation na pag-aari ng napakabait at very generous na mag-asawang sina Madam Cecille at Sir Pete Bravo na ginanap sa Bataan White Corals Beach Resort  last December 15-16.

Tatlong awitin ang inihandog ni Claire sa mga tauhan ng Intele na sinabayan pa ng sayaw ng dalawang guwapitong anak nina Madam Cecille at Sir Pete na sina Jeru at Miguel with back-up dancers (Bravo’s Angels). Nag-Momoland sila kasama ang ibang kids at ang guwapong anak pang si Mathew.

Bukod kay Claire, naging espesyal na panauhin din ang former Kim ng Ms Saigon at napakahusay na singer na si Ima Castro at si Brgy. LSFM DJ/DZBB anchor Janna Chu Chu at nagsilbing host ang actor/host/comedian na si Shalala at ang singer na si Ej.

Habang nagpakitang gilas naman sa kanya-kanyang production number ang  bawat department ng Intelle na ang premyo ay tumataginting na P15k, P10k, 7K, at 5K. At dahil sobrang generous ng mag-asawang Madam Cecille at Sir Pete. Walang umuwing empty handed dahil lahat ay nabunot sa raffle.

Lahat din ng mga batang naroon ay tumanggap ng tig-P200 at may plus pang bonus para sa lahat ng tauhan.

Present naman at sumuporta ang mga malalapit na kaibigan ng mag-asawa mula sa kanyang bestfriend na si Sir Raoul Barbosa, Jeffrey Dizon, Raymund Saul, Ninang Erinda Sanchez, Rene Vismanos, Ninong Benjamin Montenegro, Ralston Segundo atbp…

MATABIL
ni John Fontanilla

John Fontanilla

Published by
John Fontanilla

Recent Posts

Gina Pareno, tinalo ang mga bagets sa pagti-Tiktok

KUNG ipinatitigil na ng Pangulo ng Amerika ang TikTok sa bansa nila, rito sa atin, patuloy sa pag-e-enjoy ang netizens sa walang… Read More

19 hours ago

Mikee at Mikoy, sumabak sa patok challenge

ALIW na aliw ang netizens sa ginawang Totropahin o Jojowain video ng magkaibigang Mikee Quintos at Mikoy Morales.   Sumabak ang dalawa sa patok na… Read More

19 hours ago

1,500 gadgets, ipamamahagi ni Sen. Bong

ANG saya ng tsikahan namin with Senator Bong Revilla kasama ang ilan sa kasamahan sa panulat after so long na inabot na… Read More

19 hours ago

Unli Videoke, ihahatid nina Papa Ding at Janna Chu Chu

HATID ng number one FM Radio sa Mega Manila, Barangay LSFM 97.1, ang kauna-unahang Pa-Videoke on Radio via Unli Videoke Express na napakikinggan… Read More

19 hours ago

Aiko, naka-Silver Play Button na sa YT

DAHIL may mahigit na 100,000 subscribers sa kanyang Youtube channel, matatanggap na ni Aiko Melendez ang kanyang YouTube Silver Play Button! May mahigit 100,000 subscribers… Read More

19 hours ago

Aktor, bawal na sa gym dahil sa pamboboso

“MADALAS siya noon sa gym namin eh, pero ngayon hindi na,” sabi ng isang poging physical fitness trainer tungkol sa isang male star. “Sinabihan kasi… Read More

19 hours ago