Wednesday , April 24 2024

Coco, isa na sa pinakamayamang artista

ANG saya at ang yaman ng showbiz! Parang si Mystica lang ang may problema sa pera at sa kung ano-ano pa.

Masaya ang Pinoy showbiz dahil nagpapasik­laban na sa trailer at sa publicity ang walong entries sa ‘di na mapipigil sa pagsapit na 2018 Metro Manila Film Festival.

Tiyak na alam n’yo nang ilang taon na rin ngayon na nationwide ang MMFF. Siguro naman, mapapalabas din sa Mindanao ang walong MMFFentries kahit na magtuloy-tuloy ang Martial Law ni Pangulong Duterte roon. Wala namang angal ang mga taga-pelikula at taga-TV networks sa estado ng politika sa bansa.

Sa showbiz media nga, parang ang focus ngayon ay ang payamanan ng mga artista at iba pang media idols. Nag-post si Coco Martin kamakailan sa tabi ng kotse n’ya na ang posibleng pinakamurang presyo ay P3-M ang presyo. Ford Mustang GT ‘yon.

Ayon sa isang report, mahirap nang bilangin ang mamahaling kotse at bisikleta ng isa sa tatlong bida sa Jack Em Popoy: Puliscredibles.

Noong 2014 na nag-guest si Coco sa morning show na Kris TV, ipinakita ang “big boy toys” ng aktor sa garahe n’ya: a white Dodge Challenger, Ducati motorcycle, black BMW, and red Mini Cooper.

Ipinagtapat din ni Coco kay Kris Aquino na nagagamit lang n’ya ang mga sasakyang ‘yon ‘pag wala siyang showbiz commitments. At siya lang ang gumagamit ng mga ‘yon dahil lahat naman ng miyembro ng pamilya n’ya ay nabilhan na n’ya ng sari-sariling sasakyan.

Actually, ang naunang ibinandong magandang sasakyan ay ang Hyundai van ni Kim Chiu na parang mini-home na nga—may kama, home theater na pang-sing along din, dresser na pwede siyang make-up-an. ‘Pag nasa shooting o taping siya, hindi na siya kailangang bigyan pa ng sarili n’yang air-conditioned tent dahil sa van nga n’ya siya sosyal na sosyal na nag-i-stay.

Malapit nang matapos ang ipinagagawa ni Julia Barretto na sariling bahay. Ang tapos na tapos na ay ‘yung kay Sunshine Cruz na naipatayo  sa sarili n’yang kita noong hiwalay na sila ni Cesar Montano.

Pero hindi lang naman ang milyones nilang ari-arian ang nagpapasaya sa mga artista natin kundi pati na ang mga bago nilang kontrata.

Halimbawa, sina Sharon Cuneta at Judy Ann Santos ay pumirma na sa Reality Entertainment na pag-aari nina Dondon Monteverde (anak ni Mother Lily) at direk Erik Matti. 

Ang Reality Entertainment ang producer ng award-winning films na   On the Job, Honor Thy Father, Seklusyon, at Buybust. 

Si Judy Ann nga pala ay naghahanda na para sa kanyang comeback TV series na Starla sa Kapamilya Network. Alam n’yo na sigurong matagal nang kumikita uli ang mister n’yang si Ryan Agoncillo bilang isa sa mga host ng longest-running noontime TV show.

Si KC Concepcion nga pala, bukod sa may boyfriend na uli, ‘yung  French man na si Pierre Plaissard, ay kabibili lang ng beach property na mukhang nasa Palawan. ‘Di kasi siya bumibili ng Hermes bag, na milyones ang halaga, kaya nakaka-afford siya ng lupaing nasa tabing dagat.

Si Heart Evangelista naman, maligaya na sa pagiging “crazy rich Asian.” Ang latest gimmick n’ya ay mag-pictorial na suot ang mga napakamamahaling damit, i-post ang mga pic sa Instagram na may “crazy” caption na pupunta siya sa grocery para bumili ng corned beef at itlog na maalat.

Tuwang-tuwa naman ang netizens sa “kalokahan” n’ya.

Si Vice Ganda nga pala ay laging masaya na nagpo-post sa Instagram n’ya ng pictures ng public dates nila ng basketbolistang si Calvin Abueva. Ang latest ay inabutan siya ni Calvin ng mga bulaklak sa harap ng madla. Hindi na sila kailangang umamin. Basta, happy together sila!

Mga bading, magpayaman na kayo nang husto para may maging “very close friend” din kayo na sikat na basketbolista. Tuwang-tuwa rin ang netizens sa dalawa.

Tayo rin, kailangang matuwa para ma-imbibe, ma-absorb ang pagiging mayaman, masaya, at malusog. Kapag um-attend kayo ng prosperity seminars, isang technique ang “imbibing” para yumaman ang tao. ‘Di kayo pwedeng yumaman, gumanda, maging malusog at masaya kung galit kayo sa mayayaman at sa mga umaapaw nilang katangian. Huwag nating pandirihan ang mayayaman at sikat.

KITANG-KITA KO
ni Danny Vibas

About Danny Vibas

Check Also

James Reid

Paghuhubad ni James inaabangan

MATABILni John Fontanilla KINAGILIWAN ng publiko ang naging pahayag ni James Reid na dahil sa sobrang init …

Andres Muhlach Family

Andres itinangging mama’s boy, super love lang si Charlene 

MATABILni John Fontanilla MARIING pinabulaanan ng guwapong anak nina Aga Muhlach at Charlene Gonzales-Muhlach na siAndres na hindi siya mama’s …

Ogie Diaz Vice Ganda

Vice Ganda at Ogie iwas muna sa mga toxic na tao

MA at PAni Rommel Placente SA isang episode ng It’s Showtime ay inamin ni Vice Ganda na naka-experience na …

Chavit Singson Pia Wurtzbach Catriona Gray

Gov Chavit sa pagli-link sa kanya kina Pia at Catriona—Puro marites lang ‘yan

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio TAON-TAON pa lang iniimbitahan si dating Gov Chavit Singson para mag-sponsor ng Miss …

Ruru Madrid

Ruru Madrid tuloy-tuloy ang dating ng blessings

COOL JOE!ni Joe Barrameda ISANG payat na binatilyo si Ruru Madrid nang pasukin ang mundo ng showbiz …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *