Saturday , December 5 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Ryza, paborito ni Bossing Vic
Ryza, paborito ni Bossing Vic

Ryza, paborito ni Bossing Vic

AYAW isipin ni Ryza Cenon na paborito siya ni Vic Sotto kaya naman muli siyang isinama sa pelikulang entry nila sa 2018 Metro Manila Film Festival, ang Jack Em Popoy: The Puliscredibles na pinagbibidahan nina Bossing Vic, Maine Mendoza, at Coco Martin.

Maaalalang kasama rin si Ryza sa Enteng Kabisote 10 na entry sa 2017 Metro Manila Film Festival ng APT Entertainment at M-Zet Productions kaya naman happy ang actress sa tiwalang ibinibigay sa kanya ng Comedy King at ng APT Entertainment.

Tsika nga ni Ryza, ”Hahaha, baka hindi naman po favorite pero flattered po ako. Sana nga po, marami pa akong magawang pelikula with Bossing.

“Nakatutuwa kasi kung pangalawa, baka mapangatluhan pa.

“Ibig sabihin po, nagtitiwala si Bossing at ang APT sa talent ko para i-consider nila ako sa role kaya sobrang thankful ako.”

Mapapanood ang Jack Em Popoy The Puliscredibles sa Kapaskuhan (Dec. 25) na makakasama rin sa pelikulang ito sina Baeby BaeRyza Mae DizonPaolo Ballesteros atbp…

MATABIL
ni John Fontanilla

About John Fontanilla

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top