Friday , April 19 2019
Breaking News
You are here: Home / News / Palasyo kay Diokno: Walang iwanan
Palasyo kay Diokno: Walang iwanan

Palasyo kay Diokno: Walang iwanan

ITO ang tila mensahe ng Palasyo kay Budget Secretary Benjamin Diokno sa harap ng panawagan ng Kongreso kay Pangulong Rodrigo Duterte na patalsikin sa kanyang puwesto ang DBM chief sa gitna ng kontrobersiyang ipinupukol sa kalihim dahil sa natuklasang P75-billion insertions  sa proposed budget ng public works and highways department para sa 2019.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, kanilang inirerespeto ang panawagan ng ilang kongresista na idinaan pa sa House Resolution 2365, ang nais na pagpapatalsik sa kalihim.

Gayonman, hindi nila mapagbibigyan ang nasabing panawagan habang nananatili ang tiwala mismo ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Diokno.

Sa katunayan, itinuturing aniyang “one of the best and the brightest” sa hanay ng mga opisyal ni Pangulong Duterte si Diokno at hindi aniya matatawaran ang reputasyon bilang isang competent public servant.

Panawagan ng Palasyo sa Kongreso, itama na lang ang mga maling nadiskobre sa proposed budget at kung gustong sampahan ng kaso ay kasuhan na lamang kung sa tingin ay may nagawang iregularidad ang DBM chief.

Dagdag ni Panelo, kung hindi aniya nanghihimasok ang Pangulo sa kung sino-sinong mga opisyal sa Kongreso ang dapat na maitalaga sa mga komite, sana’y tularan na lang ito ng Kamara. (ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top