Saturday , April 20 2019
Breaking News
You are here: Home / News / 2 Pinoy sugatan sa school bus mishap sa HK
2 Pinoy sugatan sa school bus mishap sa HK

2 Pinoy sugatan sa school bus mishap sa HK

ISA sa dalawang Filipino na sinabing sugatan sa insidenteng kinasa­sang­kutan ng school bus sa Hong Kong, ay nakalabas na sa pagamutan, ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA).

Base sa ulat na nakarating sa DFA mula sa Konsulado ng Filipinas sa Hong Kong, puspusan ang pakikipag-ugnayan ng tanggapan sa dala­wang nasugatang Filipino makaraan magkaaberya ang isang school bus sa North Point, Hong Kong nitong Lunes ng hapon.

Ipinaalam ni Consul General Antonio A. Mora­les sa DFA na na-dis­charge na sa ospital ang isang Filipino nitong Miyerkoles.

Patuloy na nagpa­pa­galing sa pagamutan ang isa pang kababayan.

Ayon kay Morales, kapwa inaayudahan ng Konsulado ang dalawang biktima.

Nagpaabot ang opi­s-yal ng pakikisimpatiya sa mga pamilya ng apat na namatay sa nasabing insidente.

Sa ngayon ay inaalam pa ng mga awtoridad sa Hong Kong ang posibleng sanhi ng aberya.

(JAJA GARCIA)

About Jaja Garcia

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top