Friday , April 26 2019
Breaking News
You are here: Home / News / Bicolandia’s solons pumalag kay Andaya
Bicolandia’s solons pumalag kay Andaya

Bicolandia’s solons pumalag kay Andaya

PUMALAG sina Catan­duanes Rep. Cesar Sar­miento at Sorsogon (2nd district) Rep. Deogracias Ramos kay House Majority Leader Rolando Andaya na nagsabing sobra-sobra ang budget ng kanilang mga distrito.

Ayon kay Sarmiento at Ramos, walang ano­malya sa budget nila dahil ito ay nakalaan sa mga proyektong kaila­ngan ng kanilang mga bayan.

Anila, nagkaroon ng masamang implikasyon sa kanila ang umano’y budget na lihis sa mga pangangailangan ng mga distrito nila.

Ani Sarmiento, wala namang mali roon sa budget ng probinsiya niya dahil mula nang naging kinatawan siya ng Catanduanes noong 2010 ang budget ng probinsiya niya ay naglalaro sa P1.5-bilyon o P1.6-bilyon. Aniya, binanggit ni An­daya sa kanyang privilege speech ang 2018 budget.

”The P1.6-billion budget, as mentioned by the majority leader, is a regular budget allocation, wala namang dagdag yan. That is in the National Expenditure Program,” ayon kay Sarmiento.

Pinabulaanan rin ni Sarmiento ang sinabi ni Andaya na hindi nila kailangan ang pondo para sa flood control.

“Kailangan namin ‘yan, binabaha kami every now and then,” ani Sa­r-miento.

Hinimok niya si An­daya na tingnan ang ibang mga distrito kung saan may malalaking budget.

“May iba riyan, P5 billion…P6-billion ang mga allocation,” dagdag niya.

Sa panig ni Ramos, maling sabihin na hindi binabaha ang Sorsogon dahil ang katotohan ay madalas rin magkaroon ng baha sa mga bayan ng Bulan at Irosin.

“Ang Bulan at Irosin, madalas binabaha,” ayon kay Ramos.

Nabanggit ni Andaya ang mga distrito nina Ramos at Sarmiento sa kanyang privilege speech. Binatikos niya ang umano’y maling pagla­lagay ng budget sa mga distrito ng mga kongre­sista.

Ayon kay Ramos napasama sila sa speech ni Andaya.

“We have no part in the preparation of the NEP,” ani Ramos ha­bang himihirit na nanga­ngailangan talaga ng mas maraming pondo ng Sorsogon upang makaahon sa kahirapan.

Kasama ang Sor­sogon sa sampung pina­kamahirap na probin­siya sa bansa.

Kaugnay  nito nag­la­bas ng resolution ang Kamara na tanggalin si Budget Secretary Ben­jamin Diokno sa puwesto.

Sa resolusyon, na­ging liability si Diokno sa kampanya laban sa korupsiyon mula nang umano’y trinaidor niya ang presidente sa pag­sisingit ng mga pondo sa panukalang budget lingid sa kaalaman ng presidente.

“My only appeal to the President is for him to talk to the secretary of budget and manage­ment. He might push you off a cliff,” ani Andaya sa media briefing kahapon.

Ayon kay Andaya, si Diokno “is the man responsible for budget insertions and question­able allocations in the budget preparation and execution.”

Si Minority leader Danilo Suarez naman nag-file ng House Reso­lutioNo. 2365, “urging the Office of the Presi­dent to reconsider the appointment of honor­able Benjamin Diokno as secretary of budget and management based on the finding during the question hour (last Tuesday).”

Ani Andaya, desi­syon ni Diokno kung magbitiw siya.

(Gerry Baldo)

Tiniyak ng Palasyo: Diokno sisibakin kung sabit sa P75-B budget
Tiniyak ng Palasyo: Diokno sisibakin kung sabit sa P75-B budget

About Gerry Baldo

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top