Tuesday , January 22 2019
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Winner ng poster making contest sa HIV/AIDS awareness ni Venson Ang, inianunsiyo
Winner ng poster making contest sa HIV/AIDS awareness ni Venson Ang, inianunsiyo

Winner ng poster making contest sa HIV/AIDS awareness ni Venson Ang, inianunsiyo

NAGLUNSAD ng poster making contest si Venson Ang hinggil sa HIV/AIDS awareness bilang bahagi ng kanyang advo­cacy. Ginanap ang awarding last December 8 na bukod kay Venson, kabilang sa mga judge sina Bin Samonte at Al Perez.

Si Venson ay isang body­building enthusiast and healthy lifestyle advocate. Siya rin ang may-ari ng New Star Samson Gym sa Tagaytay City at Roose­velt, Quezon City, at dating talent manager ng mga dancing body­builders. Siya ay naging presi­dente at chairman ng Filipino Chinese Weightraining Asso­ciation at Power Lifting Asso­ciation. Isa siyang Parangal ng Bayan Sports awardee na pinagkaloob sa kanya noong 1997 ni former president Fidel V. Ramos. Noong 2002, recipient din siya ng award sa Who’s Who in Philippine Sports mula kay ex-president Gloria Arroyo.

Ang highest award na nakuha ni Venson ay mula sa International Federation of Body Building & Fitness (IFBB) dahil sa pagpo-promote niya ng body­building at sa pagiging Tour­nament Director ng International bodybuilding event na Asian women’s Bodybuilding Cham­pion­ship noong 1989. Dito’y tumanggap siya ng medal noong Dec. 3 1989 sa presi­dente nito na si Ben Weider.

Anyway, itinanghal na 1st place dito ang poster ni John Remel Flotildes at siya ay tumang­gap ng 5k cash, Star Samson Gym gold medal, at certificate of participation sa World AIDS day on the spot poster making contest. Second placer si Niño Olosis, at 3rd place naman ang nakamit ni Bienne Samanta Rosales.

Si John ay isang indie actor, artist ng Cavite Group of Artists, model, at sa male pageant ay twice nanalo na Best in Talent dahil sa husay niya sa hand painting.

Ang pamangkin ni Venson na si Ms. Liezel Ang Buena­ventura ang nag-represent sa kanya. Ang naging theme ng event ay Know Your Status o Alamin Ang Kalagayan Mo hinggil sa HIV.

Nabanggit din ni Venson na nakaaalarma na ang pagtaas ng cases ng HIV sa bansa. May 32 new cases kasi na naitatala sa Filipinas kada araw, at tayo ang nangunguna sa Asia Pacific. Ayon sa kanya, dapat mas paigtingin ang awareness hinggil sa HIV/AIDS. Nabanggit ni Venson na libre ang HIV test sa DOH.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

COMMENTS

About Nonie Nicasio

Scroll To Top