Wednesday , January 16 2019
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Supermodels Universe 2018, nagsimula na
Supermodels Universe 2018, nagsimula na

Supermodels Universe 2018, nagsimula na

HUWAG namang maging senyales itong nangyayari sa ating mga international beauty contestants na lahat ay talunan. Ang huli nating chance para ma-cut short itong ‘di kagandahang pangyayari ay si Catriona Gray sa Miss Universe 2018.

Para sa kaalaman ng lahat, mayroon pa tayong isang international quest at ito ang Supermodels Universe 2018.

Sa unang pagkakataon ay gaganapin ito sa Pilipinas na nagsimula sa Sofia, Bulgaria.

READ MORE:  Dreamscape writer, best selling author na!

Ito ang kauna-unahang gaganapin ang Supermodel Universe 2018 sa labas ng Europe at nagsimula na ito noong Lunes, December 10 at tatagal hanggang December 15 na gaganapin sa Pump-Mactan, Saac II Road, Lapu-Lapu City, Cebu.

Gaganapin ang Grand Runway Night sa December 14, 2018 at ang mga kalahok dito ay galing sa iba’t ibang bansa.

READ MORE:  Sinungaling ba si Kim Domingo?

Isa sa mga kandidato ay si Marl Dennis Ramos na finalist from Canada. Siya ay 18 years old at may tangkad ng 5’11″. Ipinanganak siya at lumaki sa Canada mula sa pamilyang Filipino.

Isa siyang consistent honor student at dalawang beses naging basketball MVP sa Canada. Mahilig siya sa community or charitable work tulad ng pagtulong sa mga may sakit sa ospital sa pamamagitan ng Physiotherapy.

READ MORE:  Mga bossing ng GMA, gandang-ganda sa teleserye nina James at Nadine

Hilig niya ang mag-travel at maliban sa basketball, paborito rin nito ang hiking at fishing. Gusto nitong maging sikat na model ambassador para sa kabataan at ito ang dahilan kaya siya sumali sa 2018 Supermodels Universe.

STARNEWS UPLOAD
ni Alex Datu

About Alex Datu

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top