Wednesday , January 16 2019
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Piolo at Judy Ann, pagsasamahin ni Direk Paul
Piolo at Judy Ann, pagsasamahin ni Direk Paul

Piolo at Judy Ann, pagsasamahin ni Direk Paul

SI direk Paul Soriano kaya ang makapag­-papanumbalik ng tandem nina Judy Ann Santos at Piolo Pascual?

Tinanong kasi namin si Paul kung sinong artista ang gustong-gusto niyang idirehe?

“Wow! Right now? Wow.

“Actually I was with him last night, si Piolo Pascual.

“We produced ‘Hele’ with Lav, but as a director hindi pa.”

Sina Paul, Piolo, at Lav Diaz ang mga producer ng indie film na Hele sa Hiwagang Hapis noong 2016 na idinirehe ni Lav at pinagbidahan nina Piolo at John Lloyd Cruz.

READ MORE:  Ang iba’t ibang mukha ni Mon Confiado, bilang versatile na aktor!

Bakit hindi pa niya nagiging artista si Piolo na siya ang direktor?

“We have to find the right story, sabi ko kay Piolo last night, ‘Baka next year, meet tayo, let’s find a concept.’

“So hopefully we can do something.

“He’s already worked with Toni, sa ‘Home Sweetie Home’ sila, may ‘Starting Over,’ may ‘Last Night.’ So ako naman, sabi ko, ‘Let me direct you naman.’

“Very open naman siya, we just said, ‘Let’s just find the right story, let’s find the right script.”

READ MORE:  13-anyos na si Teri, tinalo si Nora!

At sa mga babaeng artista naman, guess kung sino ang nasa bucket list ni Paul?

“I would say Miss Judy Ann Santos!

“I’ve done commercials with her but iba ang pelikula, eh. And I know she’s a fantastic actress.”

Bilang suggestion, sinabi namin kay Paul na pagsamahin niya sina Judy Ann at Piolo sa isang reunion movie na matagal ng hinihintay ng publiko.

“I would love that, it’s great you suggested that! One great film.”

READ MORE:  Sen. Bong, ‘pinatay’ sa social media

Speaking of films, ang Ten17P (ni Paul) at TinCan Productions ang sister companies ang nag-produce ng Mary, Marry Me na official entry sa 2018 Metro Manila Film Festival sa December 25.

Bida rito ang misis ni Paul na si Toni Gonzaga at sister na si Alex, kasama si Sam Milby. Producer si Paul ng project na ito, at si RC delos Reyes ang direktor.

RATED R
ni Rommel Gonzales

About Rommel Gonzales

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top