Saturday , April 20 2019
Breaking News
You are here: Home / Hataw Lifestyle / Pagpapahalaga sa values, tinalakay sa Adulting
Pagpapahalaga sa values, tinalakay sa Adulting

Pagpapahalaga sa values, tinalakay sa Adulting

KUNG natuwa ang marami sa Tipidity ng Mega Sardines, paiiyakin naman nila ngayon sa kanilang Adulting ang publiko.

Ang Adulting ang pinakabagong short film ng Mega Sardines ngayong Christmas season. Bale ito ang ikalawa sa #MegaGandaAngBuhay trilogy short films.

Naging matagumpay ang paglalahad ng unang short film na Tipidity, na nakakuha ng 4 million views. Ito’y ukol sa nakatutuwang eksena ng mga bagong kasal. Sa Adulting, tatalakayin ang isang klase ng mother-daughter relationship na tiyak makare-relate ang karamihan.

Sa Adulting, bida rito si Angeli (Crystal Paras), isang young professional na gustong magkaroon ng mas malayang pamumuhay. Ngunit mas gusto ng kanyang inang si Aling Lorna (Ruby Ruiz) ang pagpapatupad ng tough love, pagdating sa pag-aalaga sa kanyang anak.

Paliwanag ni Chris Cahilig, direktor at public relations specialist ukol sa Adulting, mas nagpapakita ito ng values na tututukan ng #MegaGandaAngBuhay campaign ng Mega Sardines, na namamayagpag ang Filipino values sa pamamagitan ng paggawa ng mga short film at ipinakikita ang mga makatotohanang eksena sa buhay ng bawat Pinoy.

Mapanonood na ang Adulting sa official Facebook page ng MEGA sa http://www.facebook.com/officialmegasardines at sa kanilang YouTube Channel na Mega Global. Samantala, ang ikatlong short film naman ay ipalalabas sa 2019.

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top