Wednesday , January 16 2019
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Lani, nanawagan: Irespeto natin ang desisyon ng korte
Lani, nanawagan: Irespeto natin ang desisyon ng korte

Lani, nanawagan: Irespeto natin ang desisyon ng korte

LET’S just respect the decision of the courts (sic).” Ito ang reaksiyon ni Lani Mercado patungkol sa mga ‘di sang-ayon sa pagkaka-acquit sa kanyang mister na si Bong Revilla sa kasong graft sa ibinabang desisyon ng Sandiganbayan nitong Disyembre 7.

Mabuti’t aware ang Bacoor City mayor na bagama’t marami ang nagbubunyi sa not-guilty decision sa dating senador ay marami rin ang kontra sa nasabing hatol.

Pero ikinalulungkot naman ng pamilya Revilla ang naging hatol at kaukulang kaparusahan sa itinuturong mastermind sa likod ng pork barrel scam na si Janet Napoles at sa chief of staff ni Bong na si Richard Cambe.

READ MORE:  Kathniel, nag-level up na ang acting

Natural lang na ikalungot ‘yon ni Bong pero in the words of his wife, sige, sundin at igalang na lang ang desisyon ng korte.

Hindi kami abogado, pero maraming tanong sa aming isip na humihingi ng kasagutan.

Una, kung not guilty ang hatol na iginawad kay Bong, bakit kailangan niyang magbayad ng civil liability na aabot sa mahigit P124-M? Eh, kung wala nga siyang ninakaw ni isang kusing mula sa kabang yaman ng gobyerno, is it not stupid to make him pay even a single centavo?

Saang kamay ng Diyos ‘yon kukunin ni Bong? Apat na taon siyang nakakulong, therefore, wala siyang kinita sa loob ng mahabang panahong ‘yon, right? So, si Lani ang mag-aabono dahil ito ang kumikita during the time that her husband was jailed and jobless?

READ MORE:  James Robert, game magpaka-daring sa pelikulang Balatkayo

Ikalawang tanong, parang kataka-taka naman na napitpit si Cambe na kanang-kamay lang ni Bong, tapos ay acquitted ang amo? Anyare???

Anyway, gaya nga ng panawagan ni Lani, let’s respect the court’s decision. Sa isang banda nama’y may mahigit isang dosenang graft cases pa ang kinakaharap ni Bong.

In that case, it’s partial victory para sa mga nagdiriwang sa acquittal ni Bong. Ireserba muna ng mga tagasuporta ng dating mambababatas ang kanilang mga ngiti ng ganap na pagbubunyi dahil simula pa lang ito ng masalimuot na paglalakbay ng kanilang idolo.

READ MORE:  Dennis, nakipagkabugan ng acting kay Boyet

Ay, bago rin pala namin makalimutan, may pahabol kaming tanong bago namin wakasan ang kolum na ito.

What’s in a pet name tulad ng “Bong” at tila nakakabit na sa palayaw na ito ang mga kuwento tungkol sa umano’y katiwalian? Bongbong (Marcos), Bong (Go), at Bong (Revilla)?

Naku, Pasko pa naman…parang ayaw na muna naming tumikim kahit puto-bumbong!

Charot!

HOT, AW!
ni Ronnie Carrasco III

About Ronnie Carrasco III

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top