Wednesday , April 24 2019
Breaking News
You are here: Home / Opinion / Bilyon-bilyong gov’t funds nauubos sa walang kuwentang proyekto
Bilyon-bilyong gov’t funds nauubos sa walang kuwentang proyekto

Bilyon-bilyong gov’t funds nauubos sa walang kuwentang proyekto

HINDI lamang nakagagalit, nakapagpupuyos ang pagbubunyag ni  House Majority Leader Rolando Andaya na ang bilyon-bilyong pondo ng gobyerno ay napupunta lang sa mga proyektong hindi naman kailangan ng distrito.

Partikular na binanggit ni Andaya ang 2nd district ng Sorsogon at ang nag-iisang distrito ng Catanduanes na nakakuha ng sobrang P2 bilyon na flood control project.

At lalong kahindik-hindik (parang horror talaga) na malaman, na ang P2 bilyon ay napunta lang sa isang kompanya na isang tao lang ang may-ari o single proprietor.

Ayon kay Andaya, halos 30 proyekto sa Bicolandia ang napunta sa CT Leoncio Construction and Trading.

Ginawa ni Andaya ang pagbubunyag bunsod ng kumalat na balita na ang malalaking proyekto ng gobyerno ay napunta umano sa malalapit kay Speaker Gloria Macapagal Arroyo.

Ani Andaya, “Madam Speaker, nothing can be further from the truth. Let us all remember that when the NEP, or the budget, was submitted to us, it was done under the previous leadership of the House. So logic dictates that the large allocations per district would be from the allies of the previous leadership and not from the present leadership.”

Hindi lang ‘yan, tahasang sinopla ni Andaya si

Budget Secretary Benjamin ‘joke-no’ ‘este Diokno sa sinabi niyang babagsak ang ekonomiya kapag hindi naipasa ang budget sa tamang oras.

Paliwanag ni Andaya, “Let me remind everyone, that anyone who believes that a reenacted budget will result into economic slowdown, specifically in the first and second quarter as routinely announced by our Secretary of Budget in which he said ‘a delayed budget as predicted by the Senate will result in the economic slowdown in the first and second quarter’.”

Aniya, hindi totoo ang sinabi ni Diokno.

“In the year 2007, the budget was passed on March 22. And on that year, we experienced large economic growth. First quarter, we had 6.9% growth and the second quarter, a mind-boggling 8.3% growth for the second quarter,” dagdag niya.

“So kahit na mas maliit ‘yung budget, kahit na-delay ‘yung budget, depende naman ‘yan doon sa namumuno sa DBB.”

Sang-ayon tayo kay Rep. Andaya na hindi dapat madaliin ang pagpasa ng budget kasi nga maraming nakalulusot na anomalya.

Inihalimbawa ni Andaya ‘yung sa 2nd district ng Sorsogon may bumabang halos P2 bilyong flood control na hindi hiningi o walang kamuwang-muwang ‘yung Kinatawan.

Ganoon din umano sa Catanduanes, sa kasalu­kuyang taon, ang flood control ay additional half-a-billion (P500 milyon) ang ibinigay sa distrito ni Rep. (Cesar) Sarmiento na wala rin siyang ka­mu­wang-muwang pero ipinasa umnao ng Kamara dahil ang sabi iyon daw ‘yung proposal ng Ehe­kutibo huwag daw gagalawin. Bawal daw iyon,” paliwanag niya.

Paliwanag ni Andaya, ganyan ang nangyayari ‘pag minamadali ang budget.

“Hindi nakikita na hindi pa pala ipinapasa ‘yung budget e kinarne na. And to think, tayo ‘yung inaakusahan ng pork barrel. ‘Yan po, hindi pa pasado ‘yung budget, may may-ari na at pagdating ng 1 Enero, ‘pag naging batas na ang budget ‘yang contractor na ‘yan, sa kanya na ‘yan lahat ‘yang project na ‘yan. Isa-subcontract na lang niya ‘yang project na ‘yan sa ibang con­tractor.”

Aniya wala umanong rating ‘yung wining bidder sa mga proyekto.

“Hindi man lang single A, triple A na kom­panya. Isang single proprietorship, para pong sari-sari store, pero ang tinatrabaho bilyon. Paano po nangyari ‘yun? ‘Di naman puwedeng district engineer lang ang gagawa niyan. Kailangan mayrong mas mataas na kumukumpas para mangyari ‘yan.”

Wattafak!

Kung tutuusin ang daming kababayan natin ang nagangailangan ng pondo para sa mas makabuluhang proyekto na sasagot sa batayang pangangailangan ng isang mamamayan, pero dahil walang kikitain hindi ito ang gagawing proyekto.

Isang halimbawa riyan ang sandamakmak na housing project pero wala namang nakatira at unti-unti nang nabubulok ngayon.

Wala bang plano ang kasalukuyang adminis­trasyon na busisiin ang mga housing project ng nagdaang administrasyon?!

Isalang na rin ninyo ‘yan sa imbestigasyon sa Kamara, Rep. Andaya!

Tiyak na marami pang mabubuyangyang sa ‘Pandora’s box.’

BI OIC ASSCOM
ROY LEDESMA
MA-SWAK NA KAYA
SA OMBUDSMAN?

NAKARATING sa ating kaalaman ang pag-usad ng kaso sa Office of the Ombuds­man ng isang high ranking official ngayon sa Bureau of Immigration na si OIC AssComm. Ronaldo Ledes­ma.

Sangkot sa nasabing kaso ang paggamit noon sa kanyang posisyon bilang pinaka­mataas (OIC) na opisyal sa ahensiya at umano’y naging instrumento para maka­pasok ang ilang libong Chinese nationals na pinagkalooban ng per­manent status kahit hindi kalipikado.

Wattafak?!

Pero talaga yatang may kakambal na suwer­te si swarding ‘este si Sir Roy Ledesma.

Isipin na lang na pagkatapos ng anim na taon ay nai-appoint ulit ng DOJ sa Immigration bilang isa sa mga pinakamataas na opisyal (BI deputy commissioner) kahit identified na Leila De Lima follower at may pending case sa Ombudsman?!

Sus madir!

Sabi nga ng mga nakakikilala sa kanya sa BI main office, dapat daw na isa siya sa ipinatawag sa senado upang mag-esplika kung anong ‘magic sarap’ at ‘lutong makaw’ ang ginamit niya para ang mga Genuine Intsik (GI) ay biglang naging Noypi!

Sonabagan!

‘Di ba “treason” ang tawag sa ganyan?

Hala ka madam ‘este Sir Roy!

Balita namin ay ipinakukuha na ngayon ng Ombudsman ang records sa BI, ng mga tsekwa na nakinabang sa pet project mong ‘recog­nition?’

Luh?!

I’m sure kompleto sa records ang mga GI na ‘yan ang mga bff mong sina Betsy By Golly Chow-wawa at Anna Sey dahil sila yata ang ‘propo­nents’ ng mga transaksiyones na ‘yan, ‘di ba?

Well, since self-proclaimed expert daw si high ranking official sa immigration laws, hintayin natin kung expert din siya sa pagbibigay ng legal remedies sa kaso niya sa Ombudsman!

BTW, wala pa bang plano si DOJ Secretary Menardo Guevarra na i-amend ang Department Order sa kanyang law school­mate at maglagay ng lehitimong kakampi ng administrasyon kaysa isang certified “yellowtard?”

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://www.hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top