Tuesday , January 22 2019
Breaking News
You are here: Home / News / Balangiga Bells nasa PH na (Eastern Samar nagalak)
Balangiga Bells nasa PH na (Eastern Samar nagalak)

Balangiga Bells nasa PH na (Eastern Samar nagalak)

HINDI kailanman papa­ya­­gan ng lahing Filipino na magapi ng mga dayu­han at sa tuwina’y ipag­ta­tanggol ang soberanya ng bansa laban sa mga manlulupig.

Ito ang mensahe nang pagbabalik kahapon sa Filipinas ng tatlong Ba­langiga Bells na ninakaw ng mga Amerikano bilang war booty noong Fil-Am War kasabay nang pag­babalik-tanaw sa madi­lim na kabanata ng ating kasaysayan, ayon sa Palasyo.

Ipinagmalaki ni Presi­dential Spokesman Sal­vador Panelo na mara­ming pinuno ang bansa ngu­nit ang “strong poli­tical will” at dedi­kasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa paninidigan pa­ra sa karapatan ng ban­sa at sambayanan ay mala­king salik sa pagsa­sauli ng mga Amerikano ng Balangiga Bell.

Dumating sa Vil­la­mor Air Base kahapon ng umaga ang Balangiga Bells mula sa Amerika at South Korea at sinaksihan ang handover nito nina Executive Secretary Sal­vador Medialdea, Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin, Defense Secretary Delfin Lorenzana, Com­munications Secretary Martin Andanar at US Ambassador to the Philippines Sung Kim.

Magugunitang sa State of the Nation Ad­dress (SONA) ni Pangu­long Duterte noong 2017, nanawagan siya sa Ame­rika na ibalik sa Filipinas ang Balangiga Bells.

Pupunta si Pangulong Duterte sa 15 Disyembre para sa turn-over cere­mony sa Balangiga sa St. Lawrence The Martyr Church sa Balangiga, Eastern Samar. Doon orhinal na nakalagay ang mga kampana bago nina­kaw ng mga Ameri­ka­nong sundalo noong 1901.

Itinuturing na maka­saysayan ang pagbabalik ng tatlong kampana sa mismong mga taga-Ba­langiga sa Eastern Samar dahil ninakaw ito ng US  bilang war booty matapos ipag-utos ni US General Jacob Smith na patayin ang lahat ng kalalakihang may edad 10-anyos pata­as sa Samar nang mapas­lang ng mga Filipino ang 46 sundalong Amerikano noong Fil-Am war.

(ROSE NOVENARIO)

EASTERN SAMAR
NAGALAK SA ‘PAGBALIK’
NG BALANGIGA BELLS

IKINATUWA ng mga taga-Eastern Samar ang pagbabalik ng Balangiga Bells sa kanilang lugar matapos ang higit isang siglo sa Estados Unidos makaraan dalhin doon ng mga mananakop na Amerikano.

“We welcome the return today of the Balangiga Bells. This will put a closure of the remaining irritant of the Philippine-American war,” ani Eastern Samar Rep. Ben Evardone.

Dumating ang mga kampana kahapon sa Villanor Airbase bago ibinigay sa mga mga opisyal ng gobyerno sa pangunguna ni Defense Sec. Delfin Lorenzana.

“The bells symbolize our quest for peace, justice and freedom. The return  of the bells will further enhance the mutual relationship and cooperation between the Philippines and the US for peace and development,” ani Evardone.

Ginawang “war trophy” ng mga Ameri­kano ang Balangiga Bells matapos talunin ang mga Filipino sa giyera noong 1901.

Ayon kay Evardone, ginamit ng mga Filipino ang mga kampana bilang pang-tawag sa mga ge­rilya laban sa mga sun­dalong Amerikano.

“The bells are not merely religious relics. They are an eloquent symbol of the courage and patriotism of the Filipino. They also are a reminder to the present generation of Filipinos that, as in the past, they should and can resist foreign domination in any form,” ayon kay Northern Samar Rep. Raul Daza.

Sa panig ni Magdalo party-list Rep. Gary Ale­jano, ang mga kampana ay isang paalaala para sa mga Filipino na lumaban sa mga mananakop kagaya ng China.

 (GERRY BALDO)

COMMENTS

About Rose Novenario

Scroll To Top