Saturday , April 20 2019
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Aiko, ‘di pa handang maging lola; Jom, ayaw munang pag-usapan
Aiko, ‘di pa handang maging lola; Jom, ayaw munang pag-usapan

Aiko, ‘di pa handang maging lola; Jom, ayaw munang pag-usapan

BINATA na ang anak nina Aiko Melendez at Jomari Yllana kaya expected na ng aktres na isang araw ay baka may ipakilala nang nobya ang anak.

Aniya, “okay lang naman basta ipakilala niya sa akin at dalhin niya sa bahay. Hindi ‘yung liligawan niya sa kalye kasi kahit paano, conservative pa naman ako at pinalaki ko sila na nakikita ko at nakikilala ko na hindi lang ‘yung barkada nila.”

May nagbirong ‘paano kung asawa na’, “ay ‘wag naman!  I don’t like. Ayaw ko pang maging lola,” natawang sabi ng aktres.

Inamin ni Aiko na mas open ang communication nila ngayon ng second ex-husband niyang si Martin Jickain na tatay ng bunso niyang si Martina kaysa una niyang asawang si Jomari Yllana na ama naman ni Andrei.

Tila nabingi kasi si Aiko nang tanungin siya kung kumusta ang komunikasyon nila ni Jom.

“Ano po ‘yun? Ayaw ko siyang pag-usapan kasi may kanya-kanya na kami (buhay) at saka kakapanganak palang ng asawa niya,” kaswal na sagot ng aktres.

Hirit namin, ‘asawa? Kasal na ba?’

“Ay hindi pala, sorry. Partner niya. Hindi ka (kami) pa rin nagbabago! Gusto ko ‘yung (hirit mo),” tumawang sabi ni Aiko.

At si Martin, “okay kami, okay din kami niyong wife niya , si Maggie (Tirol), mabait si Maggie and Martin, wala akong problema sa kanya. We have an open communication.

“Alam ko, magko-compare na naman kayo, pero hayaan na natin mas mabuti siguro kami ngayon for now, ganito kami ni Jom.”

Samantala, hindi makakasama sa Parade of Stars ng 2018 Metro Manila Film Festival si Aiko para sa pelikulang Rainbow’s Sunset na handog ng Heaven’s Best Entertainment dahil patungo silang Japan kasama ang dalawang anak na sina Andrei, Martina, at inang si Gng. Elsie Blardony.

“Doon kami magpa-Pasko kaya hindi ako makakasama sa float. But dito naman ako for New Year sa Manila,” say ng aktres.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

About Reggee Bonoan

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top