Tuesday , January 22 2019
Breaking News
You are here: Home / Sports / Aces, tatabla sa Hotshots
Aces, tatabla sa Hotshots

Aces, tatabla sa Hotshots

SUSUBOK ang Alaska na maitabla ang serye sa karibal na Magnolia ngayong krusyal na Game 4 sa 2018 PBA Governors’ Cup best-of-seven Finals sa Smart Araneta Coliseum.

Magaganap ang kritikal na sagupaan sa 7:00 ng gabi kung kailan hangad ng Aces ang 2-2 tabla sa kanilang race-to-four series upang mapanatiling buhay ang pag-asang masung­kit ang titulo ng season-ending conference.

Sasakay ang mga bataan ni head coach Alex Compton sa malaking panalo nila nooong Game 3 upang madalawahan din ang Magnolia gaya ng ginawa sa unang dalawang laro upang makapagtayo ng 2-0 kartada.

Determinadong hindi mabaon sa 0-3 baraha, binaon ng Aces ang Hotshots sa Game 3, 100-71, upang maputol ang kanilang pagkakaiwan sa serye, 1-2.

Ang 29 puntos ang ang pinakamasaklap na kabiguan ng Magnolia sa kasaysayan simula nang pumasok sa PBA noong 1988.

Noong 1997 Governors’ Cup Finals natamo ng Hotshots ang dating pinakamasamang pagkatalo sa Finals nang mabigo ng 28 puntos, 66-94, kontra din sa Aces.

Upang maisakatuparan ang misyong maitabla ang serye, sasandal si Compton sa import nitong si Mike Harris na nagbuhos ng 36 puntos at 18 rebounds sa mahalaga nilang panalo noong Game 3.

Aalalay sa kanya sina Vic Manuel, Jeron Teng, Chris Banchero, Simon Enciso at Jvee Casio.

Ang misyong iyon na maitabla ang balak na pigilan ng Hotshots dahil nais nilang lumapit nang isang panalo mula sa kampeonato sa potensiyal na 3-1 series lead ngayong Game 4.

Gigiyahan ang tangkain na ito ng Magnolia import na si Romeo Travis, Ian Sangalang, Jio Jalalon, Mark Barroca at Paul Lee.

Samantala, bago ang laban ay igagawad din ang Best Im­port at Best Player of the Conference.

Kandidato para sa Best Import sina Harris at Travis kasama si Justin Brownlee ng Ginebra habang sa Best Player, sina Lee at Banchero ang maglalaban kasama si Christian Standhardinger ng San Miguel.

ni John Bryan Ulanday

COMMENTS

About John Bryan Ulanday

Scroll To Top