Friday , April 26 2019
Breaking News
You are here: Home / News / Sa Year of the Pig… ‘Pork barrel’ ikasasaya at ikatataba sa 2019 — Lacson
Sa Year of the Pig… ‘Pork barrel’ ikasasaya at ikatataba sa 2019 — Lacson

Sa Year of the Pig… ‘Pork barrel’ ikasasaya at ikatataba sa 2019 — Lacson

MGA nakikinabang lang sa pork barrel ang magi­ging masaya at mataba sa pagpasok ng taong 2019, na tinaguriang Year of the Pig.

Ito ang mensahe ni Senador Panfilo Lacson matapos unang ibunyag na P71,000 ang utang ng bawat Filipino.

“2019: Year of the Earth Pig. Brace your­selves for more pork,” saad ni Lacson sa kanyang Twitter post.

“I do not know if it is a coincidence that next year is the Year of the Earth Pig,” banggit din ni Lacson sa panayam sa kanya.

Ayon sa mamba­ba­tas, sa nabanggit na halaga ng utang ng bawat Filipino, isa sa pina­kamabigat na ugat ay walang pakundangan na paglustay ng mga tiwali sa mga pondo ng pama­halaan, na ang malaking bahagi ay inuutang taon-taon.

“All Filipinos, even those born just now, are already saddled with a debt of P71,000 each, because our borrowings have ballooned. Worse, we have to borrow more just to pay off our past debts,” pagbubunyag ni Lacson.

Nauna rito, binanggit ni Lacson sa isang pana­yam, hindi umano niya masabi kung sinasadya o nasabay lamang sa pag­pasok ng Year of the Pig ang pagkakasalpak ng nagmamantikang pork barrel ng piling kongre­sista sa 2019 budget.

“It would have been better if the borrowings resulted in development projects whose benefits we can actually feel. But if taxpayers’ money is lost due to corruption and inefficiency, that is sad,” banggit ni Lacson.

Dahil sa labis na kata­kawan ng ilang mga mam­babatas, napipilitan umano ang gobyerno na gumawa ng mga bagong batas tungkol sa pagko­lekta ng buwis upang mapunuan ang mga nalustay nang walang pakundangan.

Sa nakalipas na tatlo hanggang apat na taon, naitala lamang sa P60,000 ang utang ng bawat Filipino na noon ay halos 90 milyon pa lamang ang populasyon at ngayon ay umabot na sa mahigit 100 milyon.

Nakagagalit uma­nong isipin na dahil sa pagiging gahaman ng ilang mambabatas, ang sambayanan ang magdu­dusa at papasan sa patu­loy na paglaki ng utang ng bansa na sila lamang ang may gawa.

“Aren’t you angry that because some people played around with the budget, all of us Filipinos are made to bear the burden of debt?” desma­yadong pahayag ni Lac­son.

Ipinaalala rin ni Lac­son na noong 2017 la­mang, nasa P583 bilyong halaga ng pondo ang kinuwestiyon ng Com­mis­sion on Audit (COA) dahil sa kawalan ng konsultasyon sa pagitan ng ehekutibo at mga miyembro ng lehislatura na nagpatupad nito, ka­ga­ya ng kanyang mga isinisiwalat sa kasalu­kuyan.

(CYNTHIA MARTIN)

 

 

About Cynthia Martin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top