Sunday , August 18 2019
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Mahusay na aktres, iba na ang sexual preferences
Mahusay na aktres, iba na ang sexual preferences

Mahusay na aktres, iba na ang sexual preferences

NAGBABAGO rin pala ang sexual preferences ng isang utaw.

Ito ang na-realize mismo ng isang mahusay na aktres na kaya pala nawalan na ng gana sa pakikipagrelasyon sa boylet ay dahil ang bet na niya ngayon ay kapwa ko, mahal ko.

Trulili!” ang nagtutumiling bungad ng aming source. Kung dati-rati ay may appeal pa sa aktres na itey ang mga sugo ni Adan, puwes, tumambling na ng bonggang-bongga ang mundo niya.

Pero huwag ka, kung titingnan mo siya, eh, hindi mo mababakas na syiboli (tomboy) siya. Girlash na girlash kasi ang arrive niya, ‘yung simpleng girl na walang make-up, mayumi kung kumilos, every inch a woman.

“Pero nag-iiba rin pala ang bet ng mga tao. Sinong mag-aakala na sa likod pala ng kanyang femininity, eh, nagkukubli ang kanyang pagka-tunggril?”

Da who ang mahusay na aktres na ito na kamakailan ay nagkaroon ng kontrobersiyal na pelikula? Isyogo na lang natin siya sa alyas na Gelli Trevino.

(Ronnie Carrasco III)

About Ronnie Carrasco III

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top