Wednesday , November 5 2025

Babala ni Duterte: Sundalo at pulis ‘wag kumiling sa kandidato

MAHIGPIT ang bilin ni Pangulong Rodrigo Du­ter­te sa mga sundalo at pulis na huwag kumiling sinoman sa mga kan­di­dato para sa eleksiyon sa 2019.

Sinabi  ito ng pangulo sa kaniyang pagdalo sa pamamahagi ng inisyal na 500 housing units para sa mga sundalo at pulis sa San Miguel, Bulacan ka­ha­­pon.

Ayon sa pangulo, ini­endoso man niyang kandi­dato o hindi, hindi dapat mangampanya ang sino­mang pulis o sundalo para sa mga tatakbo sa eleksiyon.

Binalaan din ng pa­ngu­­lo ang mga sundalo at pulis kasama na ang mga kandidato at kanilang kampo, na huwag na hu­wag manakot ng mga botante.

Kapag may nabali­taan aniya siyang guma­wa nito, siya mismo ang makikipagtuos sa mga pulis, sundalo o kandi­datong nanakot sa mga botante, at siya ang mis­mong aaresto sa kanila.

Ayon sa pangulo, da­pat hayaan ang mga bo­tan­te na pumili kung sino ang gusto nilang iboto.

Samantala, iniutos ng Pangulo sa AFP at PNP na hanggang dalawang security escort lamang ang puwedeng mag-tan­dem at puwedeng umes­kort sa sinomang kan­didatong nanganga­ila­ngan nito.

Kapag sumobra aniya sa dalawa ang security, puwede nang arestohin at kompiskahan ng mga armas dahil ipinag­baba­wal ito ng batas, sapagkat lalabas na itong private armed group na.

Para sa mga kandi­dato na nangangamba  sa kanilang buhay kaya maraming mga security escort, huwag na lamang  aniya silang tumakbo kung takot silang mama­tay. Giit ng pangulo, hindi uubra na magkaroon ng sangkaterbang security escort dahil maituturing  itong private armed group, na malinaw na paglabag sa batas.

(ROSE NOVENARIO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rose Novenario

Check Also

Angas Libreng Sakay FEAT

Libreng sakay ng DOTr, MMDA, at Angkas, hanggang 5 Nobyembre

NAGSANIB-PUWERSA ang Department of Transportation (DOTr) at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), kasama ang ride-hailing …

QCPD Quezon City

Sekyu todas sa  rider

DEAD ON THE SPOT ang 32-anyos na security guard matapos pagbabarilin ng isang ‘di kilalang …

LTO Ferrari

Driver walang lisensiya
Ferrari walang palaka kinompiska ng LTO

BUNGA nang patuloy na pagpapatupad ng Land Transportation Office (LTO) sa pinaigting na kampanyang laban …

Marilaque SUV INARARO 6 MOTORSIKLO

Sa Marilaque Highway
SUV INARARO 6 MOTORSIKLO 3 SUGATAN

INARARO ng rumaragasang sport utility vehicle (SUV) na minamaneho ng isang call center agent ang …

cyber libel Computer Posas Court

Sa Cavite
4 binatilyo minolestiya; 2 nang-abuso inaresto

ARESTADO ang dalawang lalaki matapos ang pangmomolestiya sa apat na binatilyo at pagkuha ng video …