Friday , April 26 2019
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Richard, mas gustong makita ng fans bilang loverboy
Richard, mas gustong makita ng fans bilang loverboy

Richard, mas gustong makita ng fans bilang loverboy

IBA pa rin talaga ang dating ni Richard Gutierrez. Comedy ang role na nasabakan niya ngayon, kasi isa siya sa mga leading men sa Fantastika, pero ang nakikita naming umiibabaw pa rin ay iyong matinee idol image ni Richard.

Sa totoo lang, parang mas gusto ng fans na makita si Richard na lover boy sa kanyang mga pelikula. Tandaan ninyo ha, si Richard Gutierrez lang ang leading man na nakasama ni KC Concepcion sa mga hit na pelikula niya. Si Richard din ang leading man nang sumikat si Angel Locsin.  Maaaring ibigay kay Richard ang kredito kung bakit sumikat ang maraming mga artistang babae.

Sana isang araw, gumawa ulit ng ganoong roles si Richard, after all ang mga leading men na gumagawa niyang roles na iyan ngayon, may mga edad na. Kailangan ang isang batang dramatic actor at kaya iyon ni Richard.

HATAWAN!
ni Ed de Leon

About Ed de Leon

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top