Tuesday , July 16 2019
Breaking News
You are here: Home / Bulabugin / Kotong employees sa BIR hindi pa ubos
Kotong employees sa BIR hindi pa ubos

Kotong employees sa BIR hindi pa ubos

MUKHANG marami pa talagang dapat trabahuin si Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) Commissioner Greco Belgica.

Isa tayo sa mga nalulungkot kapag nakaririnig ng ganitong mga balita.

Dalawang empleyado ng Bureau of Internal Revenue (BIR) na nango­tong ng P2 milyones?!

Mantakin ninyo, sa P2 milyones na ‘yan, P500,000 lang ang papasok sa gobyerno at ang P1.5 mily0nes ang pagh

ahatian ng dalawang emple­yado?

Silang dalawang lang nga kaya ang maghahati?!

Sa totoo lang, marami na tayong naririnig na ganitong pangyayari sa hanay ng maliliit na negosyante.

Maraming negosyante ang walang magawa kasi nga, kapag hindi pumasok sa gustong mangyari ng mga mangongotong, sasampahan ng kaso.

Marami nga raw ang natuwa nang mabalitaan na nahuli ‘yang dala­wang ‘yan. Ilan din ang nagsasabi na kasama sila sa mga notoryus na nam­­bibiktima ng mga negosyante.

Sana’y maisalang agad sa lifestyle check ang mga ‘yan at maugat pa kung sino ang mga kasabwat nilang nakikina­bang.

Kudos Commissioner Greco!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://www.hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

FDA alalay ba o pahirap sa Filipino?

FDA alalay ba o pahirap sa Filipino?

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top