Friday , April 26 2019
Breaking News
You are here: Home / News / Himok ng Palasyo kay Sison: Long distance propaganda war itigil na
Himok ng Palasyo kay Sison: Long distance propaganda war itigil na

Himok ng Palasyo kay Sison: Long distance propaganda war itigil na

KAHABAG-HABAG at kalunos-lunos ang pagba­tikos ni Communist Party of the Philippines (CPP) founding chairman Jose Ma. Sison sa patakaran ni Pangulong Rodrigo Du­terte sa West Philippine Sea (WPS) gamit ang dalawang taon nang artikulo ng isang taong nagtatrabaho sa mga proyekto ng US military.

Ito ang pahayag ni Presidential Spokesman Salvador Panelo kasunod ng kalatas ni Sison kamakalawa hinggil sa artikulo ni Anders Cor na aabot sa $177-B ang utang ng China sa Filipi­nas sa upa at pinsala sa South China Sea.

Giit ni Panelo, ang pagbibigay ng reaksiyon ni Sison sa nasabing artikulo na inilathala noong 15 Hulyo 2016 ay patunay na wala nang alam sa realidad sa Fili­pinas ang communist leader na mahigit tatlong taong dekada nang masa­rap ang buhay sa Europa.

Hinimok ni Panelo si Sison na itigil ang kanyang “long distance propaganda war” at umu­wi sa bansa at saksi­han ang independent foreign policy course na inilatag ni Pangulong Duterte na may kasa­mang maingat, diploma­tiko at pragmatikong paninindigan sa pagha­rap sa paborableng arbi­tral ruling.

Santambak aniya ang mga impormasyon na nasa kamay ng Pangulo na hindi maaaring basta ipabatid sa publiko kaya’t nasa posisyon siya upang magpasya sa mga internasyonal na usapin, kabilang ang pag-iwas sa Filipinas sa potensiyal na pakikidigma sa China at pagpapanatili ng meka­nismo ng konstruk­tibong dialogo na nagbi­gay-daan sa 29 kasun­duan na na­pa­kikina­bangan ng bansa at ng sambayanang Fili­pino.

Sa mga huling taon sa mundo ni Sison, ani Panelo, dapat ay tang­gapin ang katotohanan na ang pangarap niyang agawin ang kapangya­rihan sa mga pinuno na iniluklok ng publiko ay nagwakas na.

“Truly, the revolution that he has commenced half a century ago has devoured its own children,” ani Panelo.

(ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top