Wednesday , April 24 2019
Breaking News
You are here: Home / News / Balangiga Bells uuwi na — Palasyo (Closure sa malagim na kabanata ng PH-US history)
Balangiga Bells uuwi na — Palasyo (Closure sa malagim na kabanata ng PH-US history)

Balangiga Bells uuwi na — Palasyo (Closure sa malagim na kabanata ng PH-US history)

ITINUTURING ng Palasyo na pagtuldok sa malagim na kabanata sa kasaysayan ng Filipinas at US ang pagsasauli ng Amerika sa Balangiga bells.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, ang okasyon nang pagbabalik ng Balangiga bells sa bansa ay patunay sa matatag na relasyon ng Filipinas sa kaalyadong US at pagwawakas sa malagim na kasaysayan ng dalawang bansa.

Pangungunahan bukas ni Pangulong Ro­drigo Duterte ang pagsa­lubong sa Balanggiga bells sa Villamor Air Base sa Pasay City.

Matatandaan, ipina­balik ni Pangulong Duter­te sa mga Amerikano ang tatlong Balangiga Bells na ninakaw ng US bilang war booty makaraan iutos ni US General Jacob Smith na patayin ang lahat ng kalalakihan may edad 10-anyos pataas sa Samar nang mapaslang ng mga Filipino ang 46 sundalong Amerikano noong Fil-Am war.

Ang dalawang kam­pa­na ay galing sa US military base sa Che­yenne, Wyoming at ang isa ay sa museum sa South Korea.

(ROSE NOVENARIO)

 

About Rose Novenario

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top