Friday , December 14 2018
Breaking News
You are here: Home / Sports / Blue Eagles kampeon muli (Fighting Maroons bigo)
Blue Eagles kampeon muli (Fighting Maroons bigo)

Blue Eagles kampeon muli (Fighting Maroons bigo)

NANATILI sa pamamayagpag ang muling umimbulog na Ateneo Blue Eagles sa magka­sunod na kampeonato matapos ang kombinsidong panalo sa Game 2 ng UAAP Season 81 men’s basketabll tournament kontra sa UP Fighting Maroons, 99-81, sa harap ng 23,471 katao sa Smart Araneta Coliseum sa Quezon City kagabi.

Determinadong huwag nang pahiritin ng winner-take-all Game ang karibal, ruma­tsada agad sa mabilis na 25-13 abante ang Ateneo.

Hindi na muling lumingon pa ang Blue Eagles buhat noon tungo sa matagumpay na pag­walis sa ‘Battle of Kati­punan’ kontra sa kapitbahay na Fighting Maroons.

READ MORE:  ‘Sudden death’ itinulos ng UP Maroons vs Falcons (Para makapasok sa UAAP Finals after 32 years)

Bunsod nito, nadepensahan ng Ateneo ang kanilang kam­peonato sa UAAP at may malaking tsansang makasikwat ng pambihirang grandslam sa Season 82 dahil mananatili ang core nila sa pangunguna ng lider na si Thirdy Ravena.

Hindi nakasama sa Mythical Five ngayong taon bunsod ng kanyang suspensiyon noong eliminasyon, bumawi si Ravena sa Finals lalo na ngayong Game 2 na siya ang nagbuslo ng makasaysayang 38 puntos.

READ MORE:  Nawawala si Kobe Paras?

Ito ang pinakamataas na puntos sa Finals simula noong 2003.

Ang malupit na pagpapa­kitang-gilas ni Ravena ang nagpanalo sa kanya sa ikala­wang sunod na Finals Most Valuable Player.

Sumuporta kay Ravena sina Angelo Koaume at Raffy Vera­no na may 22 at 11 puntos, ayon sa pagkakasunod.

Samantala, kinulang pa rin ang 24 puntos ni Mythical Five member Juan Gomez de Liano gayondin ang 19 puntos ng katatanghal na Season MVP na si Bright Akhuetie.

READ MORE:  Manganti armas ng Adamson U

Umiskor ng 15 puntos ang kapitan na si Paul Desiderio sa kanyang huling laro sa UAAP matapos ang limang taong karera sa Diliman.

Inaasahang magiging isa sa top picks ng paparating na 2018 PBA Rookie Draft ang UP clutch gunner na si Desiderio.

Sa pagkatalong ito, bigo ang Fighting Maroons na mawa­kasan ang 32-taong pagka­gutom sa UAAP title nang huli pang maghari noong 1986.

ni John Bryan Ulanday

COMMENTS

About John Bryan Ulanday

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved