Wednesday , April 24 2019
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Sharon, pinangunahan daw ang Star Cinema
Sharon, pinangunahan daw ang Star Cinema

Sharon, pinangunahan daw ang Star Cinema

PARANG ayaw namin paniwalaan ang mga kumakalat na balita dahil nakasanayan na ang official box office result ay manggagaling ito sa Star Cinema pero sa nangyari ngayon, mismong si Sharon Cuneta ang nagsabing kumita ng P6.5-M ang Three Words To Forever sa unang araw nito sa cinemas nationwide noong November 28.

Maraming nagsabing pinangunahan ng Megastar ang Star Cinema pero naniniwala kami na may dahilan kung bakit nagawa niya ‘yun. Una, ang dahilan ay ayaw nitong paghintayin ang mga tao pagdating sa kinita ng pelikula sa unang araw nitong naipalabas. At pangalawa, ayaw nitong may mababasa na may padding ang kita ng pelikula dahil matagal itong naipahayag.

May balita pa umano na inalam ng fans ni Sharon ang pakana ng Boycott Sharon & Richard Movie at kung may kinalaman ito sa association ng dalawa kay President  Duterte.  

Mahirap namin itong paniwalaan dahil kaya nanalo si Duterte ay dahil maraming bomoto sa kanya at tiyak may fans din ang dalawa na hindi maka-Duterte pero hindi dahilan ‘yun para hindi nila panonoorin ang nasabing pelikula ng kanilang mga idolo dahil wala naman itong kinalaman sa association ng dalawa sa present administration.

STARNEWS UPLOAD
ni Alex Datu

Kathryn, ‘di nga ba sinuportahan ng KathNiel fans?

Kathryn, ‘di nga ba sinuportahan ng KathNiel fans?

About Alex Datu

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top