Tuesday , January 22 2019
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / BeauteDerm CEO na si Rhea Tan, sunod-sunod ang blessings
BeauteDerm CEO na si Rhea Tan, sunod-sunod ang blessings

BeauteDerm CEO na si Rhea Tan, sunod-sunod ang blessings

BINIBIYAYAAN nang todo ang Beautederm CEO at owner na si Ms. Rhea Tan dahil sunod-sunod ang magagandang kapalarang natatamo niya recently.

Bukod sa kaliwa’t kanang pagbubukas ng bagong branch ng Beaute­derm at pagha­taw ng kanilang sales, naging sobrang matagumpay din ang Luxe Beautecon 2018 ng BeauteDerm na ginanap last Nov. 24 sa Widus Hotel sa Clark.

Tumanggap din ng pa­rangal si Ms. Rhea bago nag­tapos ang kanyang ‘Novem­best’ bilang Outstanding Professional Awardee 2018 mula sa Superbrands.

Ang Luxe Beautecon ang culmination ng national convention ng mga distributors at resellers ng Beaute­Derm na naging guest speakers sina Boy Abunda, Francis Kong, at Chinkee Tan.

Pinarangalan nang gabing iyon ang Beaute­Derm Rookie of the Year na sina Rochelle Bar­rameda at Maria de Jesus at ang Top 10 Elite Achie­vers at Sellers na kina­bibilangan ng mismong ina ni Ms. Rhea na si Mrs. Pacita Anicoche kasama rin sina Jill Nepomuceno, Kathryn Ong, Irene Mana­ngo dela Cruz, at iba pa.

Dito’y opisyal na inilunsad ang Beaute­Derm ContriBEAUT Foundation na layuning ma­katulong sa mga nanga­ngai­langan. Kabi­lang sa mga na­tulungan nito ang Make Your Nanay Proud Foundation ni Boy Abunda at ang Kasuso Foundation para sa mga may breast cancer ni Ogie Diaz. Nagsagawa na sila ng feeding program sa mga estudyante at bumisita sa home for the aged. Magbibigay rin sila ng scholar­ship sa mga deserving students.

Bonding time rin para sa buong BeauteDerm family ang nasabing mga okasyon. Kabi­lang sa celebrity ambassadors na dumalo at nagpasaya sa event sina Ms. Sylvia Sanchez, Arjo Atayde, Carlo Aquino, Matt Evans, Glydel Mercado, Tonton Gutierrez, Jimwell Stevens, Maricel Morales, Alma Concep­cion, Sherilyn Reyes, Shyr Valdez, Jestoni Alarcon, Kitkat, Boobay, Alynna, Luke Mejares, Dessa, Jinky Vidal, Anne Feo, Darla Sauler, at Risa Caldoza. Nakisaya rin ang ambassadors mula sa politika na sina Bulacan Board Member-actor Alex Castro, dating San Juan City councilor Jana Ejercito, atbp.

Masayang-masaya si Ms. Rhea sa kanyang birthday cele­bration dahil sa tinata­ma­sang tagumpay ng BeauteDerm. Kaya naman puno ng pasa­salamat at pagmamahal ang kanyang speech.

“BeauteDerm began as a dream that turned into a vision and now a reality. All of these has become possible because of the overwhelming amount of love, support, and trust that everyone has showed me since day one. It is with humble heart that I send back with gratitude to everyone who contributed to BeauteDerm’s success. This year BeauteDerm’s growth has been exponential. I still can’t believe that I have reached this point, our first ever Beautecon. I have always believed that credit should be given where it’s due. As we gathered to celebrate excellence and unity, I want to recognize everyone’s hard work. I want to take this opportunity to let everyone know how thankful I am for everything that has happened,” masayang pahayag ng lady boss ng BeauteDerm.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Dr. Ramon Ramos, pinarangalan ng PC Goodheart Foundation

Dr. Ramon Ramos, pinarangalan ng PC Goodheart Foundation

COMMENTS

About Nonie Nicasio

Scroll To Top