Wednesday , April 24 2019
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Andrea, hindi totoong maldita
Andrea, hindi totoong maldita

Andrea, hindi totoong maldita

MULA sa pagiging maldita ni Andrea Brillantes sa teleseryeng Kadenang Ginto, super bait naman ang role na ginagampanan sa pelikulang Kung Ayaw Mo Na na hatid ng Viva Films, Blue Art Productions, at Spark Samar  na kabituin sina  Empress Schuck at Kristel Fulgar at mula sa script at direksiyon ni Bona Fajardo.

Tsika ni Andrea, “Opo mabait po ako, pero typical teenager, minsan sumasagot din, may mood swings. Sobrang malayo sa role ko sa ‘Kadenang Ginto,’ napakamaldita ni Marga (karakter sa serye). Rito typical teenager po na may mga hugot din.”

Ang Kung Ayaw Mo Na ay isang  barkada movie na magsasama-sama ang tatlong babae na may kanya-kanyang bitbit na sikreto na nakatakdang mabunyag pagdating nila ng Samar. Nagkita-kita sila sa isang bread and breakfast at doon na tumakbo ang istorya ng tatlo.

MATABIL
ni John Fontanilla

Momoland, makikisaya sa Frontrow members 

Momoland, makikisaya sa Frontrow members 

About John Fontanilla

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top