Sunday , August 18 2019
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Starstruck alumna, limitado ang range ng acting
Starstruck alumna, limitado ang range ng acting

Starstruck alumna, limitado ang range ng acting

HANDA raw si Kris Bernal na ma-bash ng mga netizen dahil sa aminadong kaartehan niya tungkol sa mga limitasyon niya sa kanyang pelikula na katambal si Jake Cuenca.

No-no o bawal sa kanya ang tatlong esksenang ipinagagawa ng direktor. Ang mga ito’y ang breast exposure, ang pumping scene, at paghalinghing sa akto ng pagtatalik.

Ani Kris, kung hindi amenable ang director sa kanyang gusto’y maghanap na lang ng ibang lead actress ang produksiyon.

Fine. It’s her right.

Pero natawa kami nang tanungin siya kung nahirapan ba siyang i-execute ang mga love scene with Jake. Oo raw, ‘yun ang pinakamahirap na parte lalo na’t kung hindi naman niya mahal ang lalaking kaeksena.

Ineng, baka nakakalimutan mo na isa kang artista. Inaarte lang ‘yan, ginagawang makatotohanan at hindi ginagawang totoo.

Na-realize tuloy namin kung gaano kalimitado ang range ng acting ng Starstruck alumna na ito. Nag-artista pa siya!

HOT, AW!
ni Ronnie Carrasco III

 

Bong at Jinggoy, pasok sa isinagawang survey ng DZRH

Bong at Jinggoy, pasok sa isinagawang survey ng DZRH

About Ronnie Carrasco III

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top