Categories: News

Mass lay-off sa Federalism (Pangamba ng gov’t workers)

Share

KABADO ang mga empleyado ng gobyerno na mawalan ng trabaho kapag umiral ang federalismo sa bansa.

Ito ang inihayag ni Department of Interior and Local Government (DILG) Assistant Secretary Jonathan Malaya sa press briefing sa Palasyo kahapon, kaugnay sa isinagawang town hall meetings ng kagawaran para ilako ang federalismo.

“Yung ibang empleyado ng gobyerno may agam-agam, kinakabahan sila na mawawalan sila ng trabaho o malilipat ng trabaho o mase-separate sa service,” aniya.

Ayon kay Malaya, ipinaliliwanag nila na hindi magaganap ang takot na mass lay-off sa ilalim ng federalismo ngunit maaaring magkaroon nang paglipat ng responsibilidad sa ibang sangay ng gobyerno.

“Ipinapaliwanag po namin sa kanila na hindi mangyayari iyon kasi ‘yung tungkulin nila whether regional o national level ay kailangan pa rin gampanan. Kung magkaroon man ng movement ay doon lang sila kung saan sila sasahod na bago. So in so far as government officials and employees are concerned, it will be just some sort of transfer of responsibilities from one branch or level of the government,” dagdag ni Malaya.

Tiniyak din ni Malaya sa mga lokal na pamahalaan na sa ilalim ng federal system ay mas tataas ang kanilang internal revenue allotment (IRA).

“‘Yung iba namang tanong sa LGU kung mababawasan ba ang kanilang internal revenue allotment, ipinapaliwanag po namin na makasisiguro tayo under federal system na mas lalaki pa ‘yung kanilang revenue dahil mas lalaki pa ang taxes na matatanggap ng ating LGUs,” aniya.

Magdaraos umano ng National Federal Summit sa susunod na buwan kasabay nang pag-arangkada ng Inter-Agency Task Force on Federalism na nilikha ni Pangulong Rodrigo Duterte sa bisa ng Memorandum Circular 52 upang magtulungan ang lahat ng ahensiya ng pamahalaan sa paghahanda sa inaasahang pag-iral ng federalismo sa bansa.

(ROSE NOVENARIO)

Rose Novenario

Published by
Rose Novenario

Recent Posts

Bela Padilla, one-week break on social media dahil sa beauty disaster

Dahil gustong mag-experiment, Bela Padilla confessed to shaving half of her eyebrows sometime in March.   “So I cut my… Read More

10 hours ago

Romm Burlat is really going places

Hindi na talaga paaawat ang underrated pero mahusay na direktor na si Direk Romm Burlat. Before, he was being belittled… Read More

10 hours ago

Piolo Pascual, hindi man lang magpasalamat sa mga nagtatanggol sa kanya laban kay BB Gandanghari

GAYA ng ibang kontrobersiya sa local entertainment industry, nag-subside na raw ang ingay na nilikha ng rebelasyon ni BB Gandanghari… Read More

10 hours ago

JC Garcia kauna-unahang concert artist sa SanFo na magkakaroon ng live birthday concert

HALOS 7 months ng hindi nakapag-concert ang Pinoy international recording artist na si JC Garcia sa San Franciso, California at… Read More

10 hours ago

Baby Go, nagbukas ng 3 diyaryo para makatulong sa member ng media

INILUNSAD ng movie producer na si Ms. Baby Go recently ang tatlong diyaryo. Layunin nitong makatulong sa members ng media na… Read More

10 hours ago

Velasco ‘olats’ sa solons bilang speaker

KUNG kalipikasyon ang pag-uusapan, sa kangkungan maipupulutan ‘este pupulutin si Lord Velasco sa isyu ng speakership sa Kamara.         Sabi… Read More

10 hours ago