Wednesday , April 24 2019
Breaking News
You are here: Home / News / Socmed accounts ‘pakikialaman’ — Lacson (Sa bagong terrorism bill)
Socmed accounts ‘pakikialaman’ — Lacson (Sa bagong terrorism bill)

Socmed accounts ‘pakikialaman’ — Lacson (Sa bagong terrorism bill)

BINIGYANG-DIIN ni Senator Ping Lacson na may panukala na isama sa tinatalakay na Anti-Terrorism Bills sa Senado, ang pagbabantay sa social media accounts.

Ayon kay Lacson, posible ang panukala kung igigiit ng gobyerno ang ‘police power.’

Ngunit sinabi ni Lacson, kailangan ng ibayong pag-iingat dahil maaaring magkaroon ng paglabag sa “freedom of speech” o “freedom of expression.”

Aniya, terorismo ang pinag-uusapan kaya’t dapat ay gawin ng gob­yerno ang lahat para mapigilan ang ano mang “act of terrorism.”

Binanggit ni Lacson, may bansa na legal na napapakialaman ang social media accounts ng kanilang mamamayan upang mabatid kung makadaragdag pa ang mensahe sa banta ng terorismo. (C. MARTIN)

About Cynthia Martin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top