Monday , December 17 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Joyce Cancio, nag-react, natimbog sa buybust ‘di miyembro ng SexBomb
Joyce Cancio, nag-react, natimbog sa buybust ‘di miyembro ng SexBomb

Joyce Cancio, nag-react, natimbog sa buybust ‘di miyembro ng SexBomb

IGINIIT kahapon ni Joy Cancio na hindi miyembro ng SexBomb ang napabalitang nahuli sa isang busybust operation sa Laguna. Ang tinutukoy sa mga naglabasang balita ay si Sheena Joanna Uypico at kinasakasama nito.

Sa mensahe ni Cancio, sinabi nitong hindi kailanman naging miyembro ng Sexbomb si Sheena.

“Kahit nga ‘yung Dance Focus, hindi siya naging miyembro, SexBomb pa kaya?!” paliwanag ni Cancio. “‘Yung mga naging Sexbomb kasi noon eh, nanggaling sa Dance Focus maliban lang sa dalawa na kinuha ko dahil magaling kumanta.”

READ MORE:  Kris, matapang na sinagot ang isang netizen — Sariling pera ko ang ginamit ko sa pagtulong

Ani Cancio, dalawang beses nang lumabas sa balita ang pagkakatimbog ng sinasabing 33-anyos na dating miyembro ng Sexbomb. “Fake news ito kasi nga hindi naman siya miyembro ng SexBomb. Kahit nga itong SexBomb New Generation na ang anak kong si Jara Cancio ang nagpapalakad eh, hindi rin siya miyembro,” sambit pa ni Joy.

READ MORE:  Pa-mystery girl effect ni Maine, ‘di totoo

Idinagdag pa ni Cancio na dapat hiningi ng mga naglabas ng balita ang kanyang side kung totoo ngang miyembro si Uypico ng SexBomb. “Naka­kasira kasi ng repu­tasyon ng Sex­Bomb na nag­tatra­baho ng maayos. Matitino ang mga miyembro ng Sex­Bomb, mula noon hang­gang ngayon. Ting­nan mo naman may maga­gan­dang ne­gosyo at trabaho na ‘yung mga dating miyembro, ‘di ba?

“Kaya sana, ayusin nila ang report nila,” giit pa ni Joy.

READ MORE:  Dugo’t pawis at buhay, ibinigay sa Ang Panday

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

 

 

COMMENTS

About Maricris Valdez Nicasio

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved