Wednesday , December 12 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Jao Mapa, masayang nagagawa ang mga bagay ukol sa sining
Jao Mapa, masayang nagagawa ang mga bagay ukol sa sining

Jao Mapa, masayang nagagawa ang mga bagay ukol sa sining

MASAYA si Jao Mapa sa pagdating sa kanya ng iba’t ibang projects ngayon. Kasama siya sa pelikulang Mga Munting Pangarap. Kasali rin siya sa pelikulang Despicable Rascals ni Direk Roland San­chez, isang hepe siya ng NBI rito.

“I’m so blessed actually this month, pumasok itong teaching, etong movie, ‘yung group exhibit, sabay-sabay nga e,” saad ni Jao.

Dagdag niya, “Guro ako sa Mga Munting Pangarap and I’m teaching in a school right now in Makati, international school siya, Canadian American School and I teach art. I’m a part time teacher ng Grade 6 to Grade 11. Halo-halo na sila, ‘yung mga students ko, I have Malaysian, Spanish, Arab…may Pinoy ako, isa, may American din.”

READ MORE:  Rep. Alfred Vargas, swak sa advocacy ang bagong pelikula

Ang naturang pelikula ay mula sa Flying High Productions ni Mr. Joshua Macapagal at mula sa direksiyon ni Errol Ro­pero. Ang lima pang indie films ng naturang produk­siyon ay Sarah and CediePrince of MusicMy Music Hero Teacher, Science En Marsha, at A Walk To Remem­ber. Elementary at high school students ang target au­dience nila kaya ipala­labas ito sa iba’t ibang paaralan sa bansa.

Magiging active na ba siya ulit ngayon sa showbiz? Sagot ni Jao, “Active na in a way na on the side na lang na… ‘eto dumarating iyong mga indie films, guesting sa TV. I’m not as active as before, ‘yung ganito…”

READ MORE:  KathNiel at JaDine, paramihan ng nominasyon sa PUSH Awards

Ipinahayag din ni Jao na kakaiba ang fulfillment na nara­ramdaman niya bilang teacher. “Sa acting ang fulfillment mo ay iyong nagagampanan mo ang role mo, sa teaching, ang pinaka-fulfillment ay kapag nakikita mo na naa-absorb o natututo ang mga estudyante mo.”

Samantala, aabangan pa kay Jao ang group exhibit nilang The Work of Christmas Noel @ Avellana sa Avellana Art Gallery located at 2680 FB Harrison St. Pasay City, tel. 8338357. Mag­bubukas ito sa Dec. 1, 6:30 pm.

READ MORE:  Tunay na estado ng relasyong Matteo at Sarah, ‘di pa rin maamin-amin

Tampok din si Jao ngayong Sabado sa Uniporme Hero Serye, 3-4 pm sa GMA News TV mula sa pamamahala ni Direk Neal Tan.

“I play PDEA director Wilkins Villanueva, true to life niya ito. He directed actual drug lab busts and have actual footage not shown on news from his file. I miss doing action, lalo na ang bida ngayon ay tungkol sa iniidolo ko,” wika ni Jao.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

COMMENTS

About Nonie Nicasio

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved