Friday , December 14 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Empress, na-burn out sa showbiz
Empress, na-burn out sa showbiz

Empress, na-burn out sa showbiz

BAGAY kay Empress Schuck ang titulo ng pelikulang Kahit Ayaw Mo Na dahil sa pinagdaanan niya kamakailan sa showbiz.

Inamin ng aktres na ang pelikulang Goyo: Ang Batang Heneral ang nagpabalik sa kanya sa showbiz dahil noong pumasa siya sa audition at tinanggap niya ang papel Felicidad Aguinaldo bilang isa sa naging kasintahan ni Heneral Goyo (Paulo Avelino).

Kuwento niya, “there’s this one film po na after I gave birth to Athalia, nag-stop po ako, and then dumating po ‘yung ‘Goyo, Ang Batang Heneral.’ Nag-audition po ako for that at natanggap po ako and iyon po ang first movie na gagawin ko pagkatapos kong mag-break sa showbiz.

“Sabi po sa akin (Tita Becky) kunin mo lang ‘tong ‘Goyo’ and then after that nagtuloy-tuloy na po ang projects ko tapos may iba pa akong gagawin.

“So si Tita (Becky) binigyan niya ako ng peace of mind (sa showbiz) and then binigyan ko rin ng chance ‘yung showbiz ulit.”

Bakit nga ba naisip ni Empress na magpahinga muna sa showbiz?

“Kasi (na-burn out), I started very young po, eh. I started 7 (years old) and then at the age of 20, ‘yun pa rin ang ginagawa ko wala namang iba as in nandoon lang ako walang iba. Although I get to try different roles, but then nandoon ka pa rin. So, I got to the point na sure ba ako?

READ MORE:  Sexbomb Girls, buwag na?!

“Parang napagod ako hindi na ako happy. Hindi ako sure that time kung ano ba ang dapat na decision and then siguro blessing ‘yun na I have Athalia and it turned out na baka ito na ‘yun kasi sobrang naging happy ako. I found my happiness talaga as in totoong happiness na uncon­ditional talaga na hindi mo in-expect na may ganitong happiness na darating sa ‘yo.

“When I had that mas lalo akong magiging masaya kapag naiisip ko na magte-taping ulit ako, but then still work pa rin kaya hindi mo basta puwedeng bitawan basta-basta lang. Dumating kasi sa point na mawala na ang lahat, basta kasama ko ‘yung happiness ko which is Athalia and the father of my baby, si Vin (Vino Guingona). Kaming tatlo kahit fantasy man siya, ngayon ko lang to nararamdaman, ngayon ko lang to makukuha sa buong buhay ko na never kong nakuha so, ayaw ko siyang pakawalan.

READ MORE:  Goyo, mas malaki kaysa Heneral Luna

“Before and after Athalia, na-feel ko na talaga ‘yun (umalis sa showbiz), but then nandiyan si Tita Becky (Aguila) hindi pa ako artista nandiyan na siya, para ko na siyang second mother. Ilang beses akong lumapit sa kanya para i-explain na hindi na ako happy, hindi niya ako pinipilit, lagi lang siyang nag­bibigay ng peace of mind.

“Sabi niya, ‘I believe in you, sayang!’ Although passion ko naman siya, pero anong magagawa ng passion mo if you’re not happy so, parang siguro I’ll try to find my happiness first and then pagsabayin ko.”

Nang nagpahinga si Empress ay marami siyang projects bukod pa sa maingay ang pangalan niya noon.

“Hindi ko po nararamdaman iyon, kasi siguro ganoon talaga kapag may struggle sa heart mo kasi hindi ko napi-feel. Nandiyan na lahat ng blessings sa ‘yo pero hindi ko maramdaman kasi nga hindi ka whole sa sarili. So ako, parang gusto ko munang buuin kung ano ako.

READ MORE:  Hele sa Hiwagang Hapis, malaking dangal kina Piolo at John Lloyd

“So noong bumalik ako (showbiz) buong-buo na ako. So, I’m very happy. Open na po ako sa lahat, ang saya mag-work kung alam mo bakit ka nagtatrabaho, alam mo ‘yung result. Masaya na mayroon kang vision,” katwiran ng proud mommy to Athalia.

Speaking of Athalia, siya ang bundle of joy ngayon ng aktres.

“Three years old na, masaya pala, ang cute niya madaldal na siya marami na siyang nalalaman, perform siya ng perform sa harapan ko, mas artista pa siya kaysa akin tapos sobrang daldal, lahat ng sasabihin ko gagayahin lang niya. Enjoy po, sobrang enjoy ako (as a mom),”  masayang kuwento ng aktres.

Wala pang planong sundan nina Empress at Vino si Athalia dahil gusto niya kapag nangyari ‘yun ay kasal na sila.

Kasama rin sa Kahit Ayaw Mo na sina Kristel Fulgar, Karl Gabriel, Allan Paule, Neil Coleta, Desiree del Valle, Daniel Matsunaga, at Andrea Brillantes mula sa Viva Films, Blue Art Productions, at Spark Samar na idinirehe ni Bona Fajardo at showing na sa December 5 nationwide.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

COMMENTS

About Reggee Bonoan

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved