Friday , April 19 2019
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Alden, superhero ni Kristoffer
Alden, superhero ni Kristoffer

Alden, superhero ni Kristoffer

NAG-POST ng mensahe si Kristoffer Martin sa kanyang Instagram account para sa mga close friend na si Alden Richards, nang matapos ang Victor Magtanggol na pinagsamahan nila.

Sabi ni Kristoffer sa kanyang IG post, ”To the hammerman himself, maraming maraming salamat sa pagiging hindi lang superhero sa soap, kundi sa aming mga katrabaho mo rin. You’ve fought for us. Alam at ramdam namin. Ikaw ‘yung kapitan nito at dinala mo kami sa lugar na panalo tayo. Mas pinahanga mo ko bilang kapatid mo rito sa proyektong ito. Na wala akong narinig na kahit anong reklamo galing sa ‘yo, na kahit sagad sagaran na, lalabas ka ng tent na nakangiti. Isang malaking bagay na lahat kami dinadala mo sa vision mo sa project na ito. At masaya akong nakitang narating nating lahat ‘yon. Mahal kita kapatid! You’ve fought very hard for this. Saludo ako sa ‘yo! Hanggang sa susunod na proyekto!”

Kaya tinawag na superhero ni Kristoffer si Alden, dahil ipinaglaban nito na ma-extend ang Victor Magtanggol.

Noon pa pala dapat tinapos ito sa ere.

Sa ginawang ‘yun ni Alden, nagtuloy-tuloy nga naman ang pagtanggap ng talent fee ng lahat ng kasali sa serye. Kaya very thankful si Kristoffer sa ka-loveteam ni Maine Mendoza.

MA at PA
ni Rommel Placente

About Rommel Placente

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top