Wednesday , April 24 2019
Breaking News
You are here: Home / News / 3 Opisyal ng samahan itinumba sa Malabon
3 Opisyal ng samahan itinumba sa Malabon

3 Opisyal ng samahan itinumba sa Malabon

PATAY ang presidente ng homeowners association at dalawang opisyal ng isang samahan maka­raang pagbabarilin ng apat hindi kilalang mga suspek sa Malabon City, kamakalawa hapon.

Agad namatay sa pa­mamaril ang mga bikti­mang sina Marcos de Leon, 51, presidente ng Flovihomes Homeowners Association ng Brgy. Tonsuya, at Eduardo Esternon alyas Mico, nasa hustong gulang, adviser ng Arya Progresibo, resi­dente sa Dulong Hernan­dez, Brgy. Catmon.

Habang hindi umabot nang buhay sa Ospital ng Malabon, ang isang pang biktimang kinilalang si William Mortar, 63, organizer ng naturang samahan at residente sa Barrio Mayamot, Anti­polo City.

Kaugnay nito, iniutos ni Malabon police chief, S/Supt. Jessie Tamayao sa kanyang mga tauhan ang follow-up investigation hinggil sa insidente upang matukoy ang pagkaki­lanlan ng mga suspek.

Lumabas sa imbesti­gasyon nina SPO1 Ale­xan­der Dela Cruz at PO3 Roldan Angeles, dakong 12:25 pm, nasa loob ng bahay ni Esternon ang mga biktima at pinag-uusapan ang nalalapit na selebrasyon ng Arya Pro­gresibo sa 30 Nobyembre, nang biglang pumasok ang apat armadong mga suspek at sila ay pinag­babaril.

Makaraan ang pama­maril ay mabilis na tuma­kas ang mga suspek sa hindi natukoy na direk­siyon.

Nitong nakaraang Linggo, pinagbabaril din at napatay ng dalawang hindi kilalang suspek sa Dulong Hernandez ang isang kagawad ng Brgy. Catmon na si Rodrigo Tambo, lider ng Arya Progresibo.

Patuloy ang masu­sing imbestigasyon ng pulisya upang matukoy tunay motibo sa insi­dente.

(ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top