Tuesday , December 11 2018
Breaking News
You are here: Home / Opinion / Manang Imee Marcos, huwag daw ‘makisakay’ sa ‘katig’ ng millennials
Manang Imee Marcos, huwag daw ‘makisakay’ sa ‘katig’ ng millennials

Manang Imee Marcos, huwag daw ‘makisakay’ sa ‘katig’ ng millennials

BUHOK, damit, sapatos, bag, porma at maging lengguwahe ng millenials, sinasakyan ngayon ng mga kandidato, lalo na ‘yung mga maagang pumalaot sa kanilang sorties.

Isa na riyan si Ilocos Norte Governor Imee Marcos na kumakarera sa Senado.

Overacting at trying hard na raw ang dating ni Manang lalo na kung tumitirada ng Bboom Bboom dance ng Momoland.

Talaga naman trying very hard raw na makipag-K-Pop sa millenials.

Kaya kapag nakikita natin siya sa telebisyon o kaya sa social media, parang gusto kong matawa at maumay.

Minsan naman, may tiradang nag-a-ala-Miriam Santiago na panay ang hugot lines pero korni naman ang dating.

Sa totoo lang, gusto niyang maging “in” pero “out” pa rin.

In short gustong magpaka-millennials pero hindi naman bagay.

READ MORE:  Mga bulag sa Ilegal na sugal sa MM

E paano naman Manang, huwag ka namang OA sa pagiging trying hard, e kung hindi tayo nagkakamali ‘dual citizen’ na kayo.

Act your age naman, nababawasan tuloy ang ‘bilib’ namin sa inyo.

Minsan nga narinig namin ‘yung isang grupo ng millennials, ang sabi: “Yuck iboboto ba ninyo ‘yan?”

O ‘di ba, hindi nakahahamig ng boto.

Kasi OA at plastic ang dating.

Unsolicited advice lang po, Manang Imee, huwag kayong sumakay o makiangkas sa ‘katig’ ng millennials, hindi kayo puwedeng makisabay sa kanila, lalo lang kayong nagmumukhang kulelat.

Huwag na kayong gumimik kung mayroon ka namang maipagmamalaking track records.

Matakot ka kung ‘yung mga dati mong inaangking accomplishments ay ‘press release’ lang pala.

READ MORE:  Mag-amang Fred at Cristy Lim aarangkada sa Maynila

‘Yun dapat kang mangamba.

Pero kung totoo naman ‘yang track record na ‘yan, tigilan na po ninyo ang kagigimik…

Kasi nakaka-ewww talaga!

MGA PULIS SA OKADA
NABUKAYO NA
NI PANGULONG DIGONG

O ‘yan…

Mismong si Pangulong Rodrigo Duterte na ang nagsalita at nakapansin sa sandamakmak na lespu sa Okada casino.

Diyan ba naka-duty ang mga pulis na ‘yan na halos hindi na yata nagre-report sa mother units nila at masyadong nasasarapan sa lamig at kulay ng Okada.

Ay sus!

Sa totoo lang Mr. President, hindi lang po riyan sa Okada nagkalat ang ilan pulis.

Diyan sa Resorts World, Solaire at City of Dreams ay may namamataan rin na ilang lespu na nagba-bodyguard sa mga dayuhang VIP casino player at casino financier!

READ MORE:  Konsintidor si Mar

Sonabagan!!!

Mas dapat sigurong ipa-recall ninyo ang lahat ng mga pulis lalo na ‘yung mahilig mag-escort sa mga operator ng online casino at ‘yung mga suking-suki ng mga junket casino.

Maski itanong pa ninyo kay Kim Wong.

Hindi po ba kayo nagtataka kung bakit sa dami ng mga pulis sa Metro Manila ay bilang na bilang sa daliri ang mga itinatalaga para sa police visibility?!

Paging PNP chief, Director General Oscar  Albayalde!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit http://www.hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

 

COMMENTS

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)
Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved