Friday , December 14 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Empress, nabago ang buhay nang mag-asawa at magkaanak
Empress, nabago ang buhay nang mag-asawa at magkaanak

Empress, nabago ang buhay nang mag-asawa at magkaanak

MASAYA ang buhay may asawa ni Empress Schuck at marami siyang na-realize sa pagiging mommy ng kanyang 3 year old daughter.

Kuwento ni Empress sa presscon ng Kahit Ayaw Mo Na na ginanap sa Botejyu, Robinsons Galleria,”Masayang-masaya.

“Marami, siyempre priorities. Ayon hindi mo na talaga uunahin ang sarili mo.

“Pero hindi siya in a bad way, parang nakakalimutan ko na ‘yung sarili ko, more on voluntarily siya. Mas gugustuhin mong kalimutan ang sarili mo.

“Mas gugustuhin mong unahin siya kasi ‘yun lang ang makakapag- paligaya sa ‘yo.

“Kasi ‘pag hindi mo siya inuna, malungkot ka.”

Anong klaseng mommy si Empress?

READ MORE:  Maricar Reyes, peg maging GF ni Erik Santos

“Supportive, mas disciplinarian ako kaysa Daddy niya.

“Mas ako ‘yung nagdidisiplina. Mas ako ‘yung nagagalit at saka hindi ko siya ini- spoil.

“Pero kapag kailangan naman niya ng loving and care, talagang hundred thousand percent ibinibigay ko sa kanya.”

Ginagampanan ni Empress sa Kahit Ayaw Mo Na bilang si Joey na isang designer na nagpunta sa Samar kasama ang kanyang kasintahan na si Reggie (Daniel Matsu­naga) para sa pagsisi­mula ng kanyang sariling negosyo.

READ MORE:  Quiet Please! nina Goma at K, maganda ang konsepto
READ MORE:  Tatay ni Ken Chan, may stage 2 cancer (Iniyakan ang kalagayan ng ama)

Ka­sama ni Empress sa Kahit Ayaw Mo Na sina Kristel Fulgar  at Andrea Brillantes na idinirehe ni Bona Fajardo, hatid ng Viva FilmsBlue Art ProductionsSpark SamarSaga Prefecture FilmCommission, at mapapanood sa mga sinehan sa Dec. 5 nationwide.

 

MATABIL
ni John Fontanilla

COMMENTS

About John Fontanilla

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved