Tuesday , December 11 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Bilibid ililipat — Faeldon
Bilibid ililipat — Faeldon

Bilibid ililipat — Faeldon

NAUPO na bilang ba­gong director ng Bureau of Corrections (BuCor) kahapon si dating Bureau of Customs (BoC) Commissioner Nicanor Faeldon at inihayag na sa susunod na tatlong taon ay tatanggalin na ang New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City.

Sinabi niya ito sa harap ng mga kawani ng BuCor nang dumalo siya sa kanyang unang flag ceremony.

READ MORE:  15 estudyante, guro sugatan sa asong ulol

Aniya, ang pagliilpat ng NBP mula sa Mun­tinlupa City ay bilang bahagi ng moder­niza­tion program ng gob­yer­no para sa naturang bilangguan.

“I’m telling you this, as directed by the Pre­sident and as mandated by the Bucor Moder­nization Act of 2013 we have to move this out, we have to move the facilities out,”  ani Faeldon.

READ MORE:  14 katao sugatan sa banggaan ng bus at jeep

Ayon kay Faeldon, ang nasa 300 ektaryang pasilidad na iiwan ng NBP ay magiging com­mercial business district.

“This is a very expen­sive property that the Philippine government can use to generate funds so the requirements set by BuCor can be sustained by itself,” ayon sa bagong talagang BuCor director.

READ MORE:  Seguridad sa Chinatown tiniyak ng MPD (Sa Chinese New Year, Miss U event)

Nakatakda ang relo­kasyon ng pasilidad at ang mga bilanggo ng NBP ngunit hindi muna niya binanggit kung saang lugar.

(JAJA GARCIA)

COMMENTS

About Jaja Garcia

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved