Tuesday , September 23 2025
Ang Panday FPJ Fernando Poe Jr
Ang Panday FPJ Fernando Poe Jr

Panday movie ni FPJ, nai-restore ng maayos

NAPA­NOOD namin sa telebisyon iyong restored copy ng orihinal na Panday ni FPJ. Maganda ang pagkaka-restore. Sa natatandaan namin, dahil napanood namin iyan mismo sa sinehan halos apat na dekada na ang nakaraan, dahil 1980 noong ipalabas iyan eh, mukha ngang mas maganda pa ang quality ng kulay sa restored version kaysa original film.

Kasi nga sa restored version, nailalagay nila sa ayos pati ang kulay, hindi kagaya niyong araw na hindi mo naman talagang magagawa iyan sa pelikula. Ngayon kasi video na iyan. Digital na eh.

May sinasabi sila na nai-restore na rin ang isa pang klasikong pelikula ni FPJ, iyong Aguila, na ginawa rin ng movie king noong 1980, at itinuring ngang isang klasiko, at posibleng siyang pinaka-malaking pelikulang Filipino na nagawa na. Apat na oras ang pelikulang iyon na idinirehe ng national artist na si Eddie Romero. Iyan ang talagang klasiko, dahil dalawang national artist ang magkasama sa pelikula.

Ewan kung totoo ngang restored na iyon at kung kailan ipalalabas. Ang hindi lang maganda, puro sila restoration pero basta naghahanap ka naman ng video copy, wala.

HATAWAN
ni Ed de Leon

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Cherry Pie Picache

Cherry Pie handang umibig muli 

MATABILni John Fontanilla GAME na game at very honest na sinagot ni Cherry Pie Picache ang maiinit …

Reach Pen̈aflor Gawad Dangal Filipino Awards VMHSAA John Fontanilla Janna Chuchu

VMHSAA President Reach Pen̈aflor Gawad Dangal Filipino awardee

MATABILni John Fontanilla PINASALAMATAN ng pangulo ng Victorino Mapa High School Allumni Association na si Reach Pen̈aflor (Class 83) …

Katrina Halili Katie

Katrina nakaaantig mensahe sa anak na si Katie  

MATABILni John Fontanilla NAANTIG ang puso ng mga netizen sa makabagbag damdaming birthday message ni Katrina …

Denise Frias

Dream na maging lawyer ni Denise Frias, malapit nang matupad

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio HALOS abot-kamay na ni Denise Frias ang katuparan ng pangarap …

Angelica Hart Bitoy Michael V

Angelica Hart, goodbye na sa pagpapa-sexy

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAKILALA man si Angelica Hart sa larangan ng pagpapa-sexy sa …