Monday , August 26 2019
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Arjo, pinasasaya ni Maine
Arjo, pinasasaya ni Maine

Arjo, pinasasaya ni Maine

MARAMI ang humuhulang si Maine Mendoza ang sinasabing nagpapasaya sa award winning actor na si Arjo Atayde ayon na rin sa naging pahayag nito sa isang interview kamakailan.

Hindi man tuwirang inamin ni Arjo na si Maine ang kanyang sinasabing nagpapasaya sa kanya, marami ang kinukutuban na ang Dubsmash Queen na nga ang special girl na sinasabi nito.

Tsika nga nito patungkol sa kanyang lovelife, “Masaya po. Masaya ako.”

Maaalalang kung maka-ilang beses na ring napabalita na nagde-date ang dalawa, ang huli nga ay ang magkasama silang nagbakasyon kamakailan sa Bali, Indonesia, na nag-celebrate ng ika-28 birthday si Arjo noong Nov. 5.

Pero isinisekreto nga lang ba ng mga ito ang kanilang relasyon?

MATABIL
ni John Fontanilla

About John Fontanilla

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top