Tuesday , December 11 2018
Breaking News
You are here: Home / Bulabugin / Relasyong PH-China tunay kayang makikinabang ang sambayanang Pinoy? (Para sa kapayapaan at pag-unlad)
Relasyong PH-China tunay kayang makikinabang ang sambayanang Pinoy? (Para sa kapayapaan at pag-unlad)

Relasyong PH-China tunay kayang makikinabang ang sambayanang Pinoy? (Para sa kapayapaan at pag-unlad)

AYON kay Chinese President Xi Jinping, sa ilang panahon at anim na beses na pagkikita nila ni Pangulong Rodrigo Duterte naging malalim ang palitan nila ng mga opinyon sa relasyon ng China at Filipinas at sa mga isyung pareho silang may interes.

Kamakalawa, 29 memorandum of understanding (MOU) ang nilag­daan ng Filipinas at China.

Ang mga nilagdaang MOU ay may kinalaman sa energy, finance, banking, infrastructure, customs, information and communications technology, agriculture, railways at sa pagbangon ng Marawi.

Karamihan ng mga Filipino na naghahangad umunlad ang buhay ay umaasa na ang MOU ng Filipinas at China ay makatutulong sa pag-unlad na mararamdaman hanggang sa grassroot level o hanggang sa maliliit na mamamayan.

‘Yung maliliiit na marami na kapag nabigyan ng kabuhayan ng pamahalaan ay tiyak na magiging malakas na puwersa para sa paggulong ng ekonomiya.

Kabilang po ang inyong lingkod, sa umaasa na malaki ang maitutulong ng nasabing mga MOU para sa pagtatag ng ekonomiya ng bansa at sa estado nito sa buong bansa.

READ MORE:  Mocha, blogger dapat managot sa ilalim ng R.A. 9442 (Magna Carta for Disabled Persons)

Kung ang mga MOU na ‘yan ay may kaugnayan sa energy, finance, banking, infrastructure, customs, information and communications technology, agriculture, railways at sa pagbangon ng Marawi, umaasa tayo na bubuhayin nito ang iba’t ibang industriya na magbibigay ng trabaho at kabuhayan sa maraming Filipino.

At kung magkakaganoon, ang pagpapaalipin sa ibang bansa ng ating mga kababayan na nagtatrabaho bilang domestic helpers at utility workers ay mababa­wasan dahil dito sa ating bansa ay kaya na silang bigyan ng trabaho.

‘Yung mga Filipino skilled workers and other professionals na nasa ibang bansa ngayon, alam natin na nananatili sila roon dahil nais nilang maging maalwan ang buhay para sa kanilang pamilya.

Pero bawat indibiduwal na nakararanas ng kaginhawaan sa sariling bansa ay hindi manga­ngarap na mamuhay na isang dayuhan sa ibang bayan.

READ MORE:  Pinabilib tayo ni SILG Mar Roxas

Kung tutuusin, sabi nga, since time immemorial ay may likas na ugnayan na ang China at Filipinas sa pamamagitan ng kanilang mga mamamayan na nagpaparaktis ng “barter  economy.”

Tumaas nga lang ang level nito ngayon at naging government-to-government ang ugna­yan.

Sa totoo lang, sa kasalukuyan ay marami tayong nakikitang GI (as in genuine intsik) kahit sa malalayong probinsiya gaya ng Mindanao.

Hindi na tayo nagtataka dahil kahit noong raw pa nga ay marami nang nag-migrate na Chinese dito sa ating bansa.

Matagal na ang mga Chinese dito at katu­nayan nga ay isa sila sa mixed race ng mga Filipino.

Kaya nagtataka tayo kung bakit itong mga ‘kaliwa’ na dating idol na idol si Mao Zedong ay panay naman ang protesta sa pagdating ni Xi Jinping.

READ MORE:  Viva Señor Jesus Nazareno

Nagpirmahan pa lang nga, gusto agad-agad  nandiyan at busisiin na?!

Mula noong panahon ni Deng Xiaoping ngayon lang ulit may Chinese leader na bumisita sa ating bansa na may dala-dalang biyaya na walang hinihinging kapalit.

Kung mangyayari lahat ito, ngayon mare-realize ng mga Filipino na ang estratehikong posisyon ng Filipinas sa South China Sea o sa West Philippine Sea ay adbentaha para isulong pabor sa ating pag-unlad.

Sabi nga, lumalabo ang mata ng mga tumatanggi sa grasya.

Kaya kung papabor sa atin ang mga MOA o MOU sa China, bakit natin tatanggihan ang grasya?

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit http://www.hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

Dalawang MPD officials todo-kampanya na para kay Isko Moreno
Dalawang MPD officials
todo-kampanya na
para kay Isko Moreno
COMMENTS

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)
Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved