Saturday , September 18 2021

Isang dating member ng Clique V, kinasuhan   

NAISAMPA na ng talent manager na si Len Carillo ang demanda laban sa isang dating member ng Clique V, na nambitin ng kanyang mga commitment sa kanilang boy band. Kahit na ang sinasabing member ay hindi naman hinahanap sa mga show, dahil hindi pa naman siya sikat talaga, iyong kanyang pambibitin ay nangangahulugan ding hindi naibibigay ang buong performance sa mga show nila.

Unfair nga naman iyon sa kanilang mga client at sponsor.

Kailangan din nga sigurong gawin iyon ni Len para hindi naman umabuso ang kahit na sino pa dahil makikita na nila kung ano ang nangyayari sa isang pasaway na talent.

Kung sa bagay, iyan naman ang karaniwang problema ng mga talent manager. Walang manager na hindi sumakit ang ulo sa mga pasaway at walang utang na loob na mga artista.

ni Ed de Leon

Pagharap sa problema ng Ang Probinsyano, ibigay sa production team

Pagharap sa problema ng Ang Probinsyano, ibigay sa production team

About Ed de Leon

Check Also

Blind Item Corner

Panloloko ni actor nabisto ni showbiz gay

ANG akala ng male starlet ay totoong baliw na baliw na sa kanya ang showbiz gay. Ang balak lang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *